CHAPTER 25

1.1K 52 13
                                    

JHOANNA'S POV

"Mag uusap tayo mamaya." Hindi pa nailapag ni Col yung mga pinamili nila ni Maloi ay yun agad binulong niya sa aming tatlo.

Mukhang seryosong usapan na naman ito.

Pero mas nag aalala kami kung ano magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang nandito si Tita kasama tatay niya at ang senator pati narin si JL.

"Ah eh Boss..." Tawag ko sa kanya. Nasa loob kasi ng bahay nila Tita Teresa sila, tsaka nandito kami sa likod ng bahay kasi dito nga nagluluto lahat.

"Omg Maloi what happened sayo?!"

"Te ang haggard mo, ano ba ginawa niyo ni Colet at parang hinabol ka ng tatlong aso."

Lumingon naman kami, pero parang dinumog yata to ng aso si Maloi at gulong-gulo yung buhok, yung pants niya madami ng mantsa ng putik.

"Sana nga aso na lang yung humabol sa amin! Pero hindi!" Tumingin siya kay Colet, pero umiwas din ito ng tingin. Parang guilty pa siya sa nangyari.

"What do you mean Maloi?" Nagtatakang tanong ni Aiah.

"Tatlong lalaki naka mask may mga baril! Yun yung humahabol sa amin kanina!" Mabilis na sabi nito, nanlaki naman yung mata ng tatlo. Pati kami nagulat din, may kutob ako na hindi maganda.

"A GUN?!/BARIL?!/BAKIT?!" Sabay na sabi ng tatlo.

"Ahm girls, kalma lang kayo..."

"Kalma? Paano kami kakalma eh may naghabol sa kaibigan namin ng may dalang baril!" Sigaw ni Sheena.

Nagtama ang mata namin ni Aiah, 'Te alis muna kayo please...mag uusap lang kami..do something...na gets niya yata yung gustong kong ipahiwatig sa tingin ko kaya tumango siya.

"samahan niyo muna si Maloi mag ayos, dahil malapit na tayo mag tanghalian..pag usapan nalang natin yan mamaya." Hindi pa sana sila aalis sa sinabi ni Gwen, kaya lang hintak silang dalawa ni Aiah kaya wala na silang nagawa.

Nagsidatingan na din kasi yung mga kamag anak ni Tita galing ibang probinsya tapos rinig narin namin mga ingay sa loob.

"Let's go girls, and Maloi... you're really unlucky today. Mas lalo ikaw maii stress if malaman mo 'to." Rinig namin na sabi ni Aiah bago sila tuluyan umalis.

"Colet what happened?"

"Habang nasa palengke kami kanina, may sumusunod sa amin na tatlong lalaki."

"Kilala mo ba?"

"Sana nga kilala ko Jho, pero hindi eh...nakatakip mga mata nila..at ayos lang sana kung ako lang hinahabol, pero nadamay pa si Maloi." Yung seryoso niyang mukha kanina parang nagbago nang binanggit niya si Maloi, halatang nag aalala siya.

"May naisip ka ba kung sino gagawa nito?" Gwen asked.

Posible din naman na si Maloi yung hinahabol nila, kasi maraming negosyo yung Tatay niya pero mas malaki din posibilidad kay Colet dahil sa dami namin nakaaway at may galit dito na walang dahilan.

"Sa ngayon..may kutob ako.."

"Who?" Kunot noo na tanong ni Mikha.

"Hindi ko muna sasabihin kasi mahirap magbintang."

Gwen nodded. "Hmm.. papalampasin muna natin yon, but if something happened again.. let's take an action."

Kung sino man yun, ano ba atraso na nagawa sa kanila?

COMPLICATED LOVE [ BINI AU ]Where stories live. Discover now