Her

13 0 0
                                    

Aanhin pa nga ba ang damo

Kung patay na ang kabayo?

Yan ang natutunan ko,

Noong dumating ka sa buhay ko.

Naaalala mo pa ba

Noong una tayong nagkita?

“Love at first sight” kung tawagin

Simula noon, gusto na kitang angkinin.

Nagsimula tayo bilang magkaklase

Hanggang sa naging matalik na magkaibigan

Ngunit bakit di mo pa rin pansin,

Ang lihim kong pagtingin?

Nagsabihan tayo ng sikreto

Palagi kang nandyan para sa akin,

At ako rin sa iyo

Ngunit parang dati pa rin,  di mo pa rin pansin.

Nagmahal ka ng iba

Kunwari ako’y natuwa

Ngunit ang totoo,

Matagal ko nang gusting sabihin sayo,

Na “Nandito naman ako.”

Ramdam ko ang saya mo kapag kapiling mo siya

Habang ako, eto pa rin, nagmumukhang tanga

Sa lahat ng hinagpis at sakit,

Ang puso ko ay tila napupunit.

Ngunit nalaman mo

Na ikaw ay niloko

Ng isang babaeng hindi para sayo

Ikaw ay nanlumo

Lubos na nasaktan

Hanggang ngayon, parang dati,

Ako’y nasa tabi mo pa rin.

Bigla kang nawala ng parang bula

Nang hindi man lang nagpapaalam

Saka ko rin lang nalaman,

Na ikaw pala ay lumisan na.

Sa lahat ng ating pinagdaanan,

Lahat yun ay aking tatandaan

Nakatatak sa aking puso,

Na hanggang ngayon ay nanlulumo.

Kahit hindi ko man nasabi sayo,

Sana ay malaman mo,

Na hanggang ngayon, nandito ako,

Patuloy na nagmamahal sayo.

Him and HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon