Him

15 0 0
                                    

Gawin mo na ang nararapat,

Hangga’t hindi pa huli ang lahat.

Yan ang natutunan ko,

Noong dumating ka sa buhay ko.

Bago ka dumating sa buhay ko,

Ako ay patuloy na nanlulumo

Pero simula noong makilala kita,

Tila nagkaroon ng kulay ang mundo

Nagsimula tayo bilang magkaklase

Hanggang sa naging matalik na magkaibigan

Sinabihan kita ng sikreto

At ikaw rin sa akin

Unti-unting nagbago ang tingin ko sa iyo

Noong una hindi ko alam kung ano ito

Dahil tuwing nakikita kita,

Ang pag-tibok ng puso ko’y tila naaantala

Mahal kita, yan ang aking napuna

Ngayon alam ko na

Kung bakit ako natataranta

Sa tuwing nakikita kita

Ngunit hindi ko maipagtapat sayo

Dahil ba sa umuurong ang dila ko?

O baka natatakot ang puso ko

Sa magiging reaksyon mo?

Dati sinubukan kong limutin ka

At doon ko lamang napagtanto

Na kahit anong gawin ko

Hindi ko pala kaya

Noon may ipinakilala ako sayo

Isang babaeng ginamit ko

Para makalimutan ka

Ng puso kong naduduwag tuwina

Napansin kong napangiti ka

Na ikaw ay tila masaya

Parang nadurog ang puso ko

Dahil ang tunay kong mahal, ay tila malugod pa

Tuwing magkasama kami

Iniisip ko na siya ay ikaw

At ikaw ay siya

Kaya kahit papaano, ang puso ko’y lumiligaya

Ngunit kailangan kong harapin ang katotohanan

Kahit man ako ay mahihirapan

Hindi siya ikaw

At lalong hindi mo ako kayang mahalin

Sinabi ko sayo na niloko niya ako

Ngunit ang totoo

Kahit anong gawin ko

Niloko ko lamang ang sarili ko

Him and HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon