Him II

6 0 0
                                    

Bawat araw lalo pa akong nahuhulog sayo

Kung nakakapagsalita lang ang mga mata

Matagal ko nang nasabi sayo

Na minamahal kita

Nagpakalayo-layo ako

Pinalabas kong ako ay lumisan na

Dahil ako ay nanlulumo

Kasi hindi na kita nakikita

Nagdaan ang mga hindi mabilang na panahon

Sinubukan kong magmahal ng iba

Ngunit mahal talaga ata kita

Dahil hindi ko iyon nagawa

Naghintay ako ng tamang panahon

At ako ay nagbalik

Pilit kitang hinanap

Nagbabakasakaling ikaw ay mahagilap

Nagpunta ako ng simbahan

At nagdasal para ako ay gabayan

Noon ko lang din napansin

Na mayroon parang kasalan

Nakita ko ang isang masayang babaeng naka-puti

At naglalakad papuntang altar ng nakangiti

Naramdaman kong tumulo ang luha ko

Noong napansin kong siya ang hinahanap ko

Gaano ba katagal akong nawala?

Talaga bang ako’y kinalimutan mo na?

Kung nasabi ko ba sana sayong “Mahal kita”,

Ako ba sana ang lalaking naghihintay sayo ng masaya?

Gawin mo na ang nararapat,

Hangga’t hindi pa huli ang lahat

Yan ang huling nasambit ko

Noong tumalikod ako sa kasalan mo

Him and HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon