Two

24 2 0
                                    


Two

"Lodie,where are you?" tanong sa akin ni Tita sa kabilang linya.

"Nasa school po ako Tita." tugon ko

"Where in New York, may oras ka ba mamaya? Makikipag-meetup sana kami? Okay lang? Kung may gagawin ka pwede naman kaming pumunta sa school mo ni Tito Jasper mo." napabaling ako sa oras. Hanggang 3 o'clock lang naman ang klase namin kaya walang problema.

"Text me the details Tita, pupuntahan ko nalang po, hanggang 3 o'clock lang naman po ang klase ko today."

"Ah okay, much better. See you, honey." aniya, ngumiti ako.

"See you po." and I ended our call. Dire-diretso ang pasok ko sa loob ng klase habang naghahanap ng mauupuan. Hindi ko kaklase si Luna rito kaya mag-isa akong naupo sa pinaka-unahan. I took my notebook and took down some notes while waiting for our professor when suddenly a familiar scent lingered on my nose.

Kunot noo akong bumaling sa lalaking naupo sa tabi ko.

Ang lawak ng ngiti ni Arth habang kumakaway sa akin. "Dito ang klase mo?" nalilitong tanong ko sa kan'ya. He sat beside me.

"Hindi, makiki-sit-in lang ako." I glared at him at winala na sa kan'ya ang atensyon dahil sa pagpasok ng aming professor.

He proceed on his lecture while I am listening to it intently, hindi ko na gaano binigyan pansin ang katabi ko, kung nanonood ba siya o kung ano ang ginagawa sa kaniyang upuan. Nasa kalagitnaan ako ng pakikinig ng maramdaman ko ang pangangalabit niya, mabuti na lang at nagsusulat ang professor sa pisara kaya malaya akong napalingon sa kan'ya.

"You're so focus, huminga ka naman ng konti." natatawang usal niya sa tabi ko. Pinaningkitan ko lang siya ng mata at nakinig na ulit. Buong klase atang lutang ang isip ko dahil sa pang-iistorbo niya kaya noong nag-dismiss ang professor, mariin ang tinging binigay ko sa kan'ya.

"Stop disturbing my studies." banta ko. He smirked beside me, hindi na rin siya nagtagal dahil sumungaw na ang barkada niya sa klase upang tawagin siya.

"See you." paalam niya na nginitian ko lang. Like what I've plan, 3 o'clock nga natapos ang klase. Lunch palang ng nakatanggap ako ng details about sa meetup namin nila Tita mamaya. Umuwi muna ako sa dorm upang makapagbihis ng medyo maayos na damit. I wore a pair of fitted high-waist jeans and a blue palette shirt with coat and white sneakers

Past 5 o'clock when I am done preparing, sakto namang kakarating lang ni Luna sa klase niya. Pinasadahan niya kaagad ako ng tingin at makahulugang tiningnan.

"Saan ang punta mo? Ayos na ayos ka ah?" tanong niya.

"May kikitain lang ako sa malapit na restaurant," sagot ko.

Naningkit ang mata niyang pinaikutan ako ng tingin. "Sino naman 'yan? Manliligaw mo? Naku hindi nga pala uso rito ang ligawan." suminghap ako sa mga sinasabi niya.

"No! Tita ko ang kikitain ko, may business meeting sila dito sa New York kaya nag-set ng meet-up." tumango siya sa naging sagot ko at tamad na nahiga sa kama.

"By the way, nababalitaan kong napapadalas ang pagsasama niyo ni Neil Arthur? Totoo ba?" napukaw niya ang atensyon ko.

"Nakaka-kwentuhan ko lang since pareho tayong filipino. Bakit pala?" tanong ko.

Nagkibit balikat siya sa sagot ko. "Nothing, ingat ka lang sa fling no'n. Kilala pa namang bitch si Divina sa buong campus." pambabanta niya sa akin.

"Bakit naman ako mag-iingat? We were just casually talking, wala namang ibig sabihin 'yon." sagot ko.

"Yeah, for you but for them, meron." nanlamig ako sa sinabi niya at natigilan.

"Just be cautious, I know you don't want any attention while you're studying here. And Neil Arthur will surely give you that." I froze habang napa-kurap-kurap dahil sa sinabi niya. The realization hit me like a train. Oo nga!

Promises of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon