Seventeen

29 1 0
                                    


Seventeen

Madaling araw ng nakatanggap ako ng tawag mula kay Gus.

"I think I know what it is." He said seriously on the other line. Marahan kong pinulot ang nagkalat kong damit sa sala ni Arth habang pinapakinggan siya. Nauna kong sinuot ang aking blouse, but when he said the next words, I almost lost my breath when I heard what he just said.

Malalim siyang bumuntong hininga bago nagsalita. "Tita Enid, she had a miscarriage." Napaupo ako sa dahil sa sinabi niya, tuloy-tuloy na nagbagsakan ang luha ko dahil sa nalaman.

"I'm sorry, Elodie. I think Tito Jelan is right, you really need to go back here." Parang tumigil ang mundo ko sa lahat habang hindi makapaniwala sa nangyayari.

Pumasok sa aking alaala ang tuwa ni Mommy ng nalaman niyang magkakaroon na ako ng kapatid. It flashbacks in my mind...suddenly, I remember clearly how happy she was at that time. How excited she was when she shared to me the every details of her pregnancy.

Tulala akong naglalakad kasama si Luna sa hallway, iniwan kong mahimbing na natutulog si Arth sa unit niya. Alam kong magagalit na naman siya sa ginawa ngunit hinayaan ko na lang, sobra-sobrang nagaalala ang puso ko para sa aking mga magulang.


"Balik gawi ah, MU kayo ulit?" Pang-asar na tanong ni Luna habang patungo kami sa classroom.

"MU?" Nalulutang kong tanong sa kanya.

"Mutual understanding, gaga!"

"Ah, no, we're not." Walang emosyong sagot ko, masyadong na-occopied ang isip ko sa nalaman kaya hindi ko na lang muna binigyan ng pansin ang pasaring ni Luna sa akin.

It's our last class before our Christmas break. May mga announcements na lang dahil tapos na ang exam. Naupo kami sa unahang upuan habang abala ako sa aking mga notes, when suddenly Divina and her minion stand up in front of me. Nanlamig ako nang makita ang galit na mga mata niya.

"You bitch! I warned you already!" sigaw niya na dumagundong sa buong classroom. Hinaklit niya ang kwelyo ko at mariing hinawakan. She glared at me as I didnt move and just looked at him. Ang dami ko ng problema, pwede ba...please lang...h'wag na muna ngayon.

"Divina, we're in a classroom..." Si Luna na pumagitna sa aming dalawa. Napasinghap ako at iritableng tinanggal ang kamay niya. Ayoko na sanang palakihin pa ang gulo, but the way this woman handle her obsessiveness to Arth, hindi ko na kayang sikmurain. It needs to be stop.

Kitang-kita ko ang paglaki ng mga mata nilang lahat habang inaayos ko ang nagusot kong damit dahil sa ginawa niya. Then I look at Divina. I dont care now, I don't care if she will treat me like trash after this. Gusto ko lang ipagtanggol ang sarili ko. Lulunukin ko na ang sinabi kong ililihim namin 'to. If it is the only thing to stop him from bullying me, then I guess...I need to shout it to her that I am now in a relationship with his obsession.

My eyes found her fiery eyes, she looked shocked because of what I did.

I was about to open my mouth to slap her the truth about our relationship when Arth's voice boomed throughout the whole classroom.

"Divina!" Kitang-kita ko kung paano napaatras si Divina sa harap ko habang natatakot na nakatitig kay Arth na nasa pintuan.

I cleared my throat and fix my clothes, umupo ako sa aking upuan to avoid Arth heavy analyzing eyes. Suminghap ako habang nararamdaman ko pa rin ang buong tensyon sa buong classroom. Ngayon ko lang na-realize kung gaano ka-eskandalo sa mga taong narito ang nangyayari.

Binalik ko ang mga notebook sa aking bag at nagligpit. Wala naman kaming gagawin ngayon at puro announcements na lang. Hahayaan ko na lang muna.

Hindi natinag si Divina sa sigaw ni Arth, hinaklit niya ulit ang braso ko upang iharap sa kanya.

Promises of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon