Forty Nine

48 4 0
                                    

Forty Nine


That weeks passed so fast, halos araw-araw sila Tita sa bahay para aliwin si Elisia. They bond so well and Elisia became so comfortable with them.

Maybe I should trained my baker to do a pre-order cakes or baka magdagdag na lang ng tao para kung wala kami, or nandito ako ay may aasahan akong gagawa ng mga cakes.



Sa bawat araw na nakikita ko si Arth na umaalis sa penthouse, parang lalo ko siyang minamahal. Nasanay akong polo shirt or linen shirt lagi ang suot niya, but every time I saw him wearing his tuxedo or coat, para akong binabalik sa mga panahong nag-aaral kami. I love it, that feeling of crushing someone because of his looks, I love everytime he looks at me wearing his tie and gently plants a kiss to bid his goodbye. Parang ayoko siyang paalisin sa bahay at maghapon lang titigan habang suot niya ang kaniyang coat. I swear it, hinding-hindi ako magsasawa.

Ongoing na ang construction ng kaniyang bahay ng dumating kami. Medyo maingay lang pero bearable naman ang lahat, pinatigil na muna namin si Elisia sa paglalaro sa labas dahil sa mga alikabok. His father gave him a go signal to work in Bukidnon, kasama niya rin ang kaniyang secretary and it's staying in the nearest hotel.

I realized how much hassle it was for him to be with us while his work is in Manila. Pinag-isipan kong mabuti ang lahat kung ano ang magiging magandang arrangement sa amin pero hindi naman puwedeng iwan ko rito si Dad so we could accompany him. Nandito rin ang pag-aaral ni Elisia and my cafe.



Maybe I will think about it after Elisia school year, but for now as long as Arth can bear it, then maybe it's fine.

Tahimik na nagtatrabaho si Arth sa dining habang nagpaplano naman akong mag-bake ng cookies. Sinulyapan ko rin si Elisia na naglalaro sa living room, Dad is in his clinic and Nana was taking her afternoon nap. I slowly put my apron ngunit may namuong ideya sa isip ko ng maalala kung paano ko siya napaamin noon. Sinadya kong hindi itali ang apron sa aking leeg upang siya ang magtali 'non. I chuckled when I saw how puzzled he was, but when he slowly held the apron, 'tsaka ako tumalikod upang matali niya ng maayos sa aking likod.



"Do you remember your first confession?" mapanuya kong tanong sa kaniya.

"Yeah, paano ko naman makakalimutan 'yon?" He said while fixing the ribbon on my neck.

"Kunyari ka pang ayaw mo sa akin noong una, halata naman na gustong-gusto mo ko." Asar ko. Hinarap ko na siya habang marahan niya namang tinabi ang laptop niya.

"Uh–uh, paano mo nasabi?" I lean on him at nakipag-paligsahan ng mapangasar na titig.



He gently pulled me so I can sit on his laps, nagulat pa ako sa posisyon namin kaya agad akong lumingon kay Elisia na abala sa paglalaro. Sinulyapan ko rin si Nana na kahit alam kong natutulog ay chineck ko pa rin sa paligid.

Nag-Isip ako at inalala ang lahat ng mga pagsunod-sunod niya sa akin after my confession.

"My joyride with Geoffrey, isa 'yon?" sagot ko.

He bit his lower lip and fixed the strand of my hair. "You're sitting on my lap Elodie, and yet you're saying another man's name? Dapat sayo pinapahiga sa kama." mapang-akit niyang usal. Agad namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya, mahina kong hinampas ang braso niya at lumingon ulit kay Elisia at baka narinig niya 'yon.



"Arth, your words baka marinig ni Elisia." bulong ko habang matalim siyang tinitingnan.



He chuckled and continued fixing my hair while looking at me passionately.


"Ano pa?" lito ko siyang tiningnan.

"I mean ano pa? What makes you think that I am in love with you at that time?" kuryusong tanong niya ulit sa akin.

Promises of ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon