04

3 1 0
                                    

Do you wish at once na sana humaba pa ang buhay ng pamilya mo? Para makasama mo pa sila ng matagal.

Zelle

Ako syempre, I've always wish that. Iba kasi ang ibinibigay ng pamilya lalong-lalo na sa pagmamahal at suporta.

Walang araw na hindi ko ito hinihiling sa taas. Kahit sila na lang ang humaba ang buhay kahit ang akin ay hindi na.

" Anak, dumudugo ang ilong mo. Diyan ka lang tatawag ako ng doktor" Balisang Sabi ni Nanay.

Dali-daling lumabas  sa kwarto.

Naramdaman kong may tumutulo sa ilong ko ,kaya ko ito pinahid.

Dugo

I see a fresh blood from me. Mainit at malagkit.

Ito na ba ang katapusan ko?.

Hindi ko narin mapigilang maubo. May kung anong makati sa lalamunan ko. I cover my hands when I vomit. I feel something again in my hands.

Tiningnan ko ang kamay ko. Napakaraming dugo na lumabas. Napa-ubo uli ako at may biglang lumabas na pakaraming dugo. Kumalat ito sa suot ko. I get felt frightened.

Natatakot Ako.

Ito naba?.Katapusan ko naba?

Hindi parin ako tumitigil sa pag-ubo ko. May makati sa lalamunan ko na ayaw lumabas. I force myself para lumabas ito.Pero dugo ang lumalabas.

" A-anak..Dok dalian niyo." kita sa kilos ni nanay ang taranta at takot.

" N-nay"utal kung sabi. Natatakot narin ako.

Dali-daling lumapit ang doktor sa akin para tingnan ako.Kasama nito ang tatlong nurse na maydalang tray. Hindi ko alam kung ano ito.

Agad na inasikaso ako ng doktor nang Hindi ako tumitigil sa pag-ubo. Hinaplos ng nurse ang likod ko. Habang ang isa naman pinunasan ang kumalat na dugo. Hindi ko namalayan may tinurok ang isang nurse sa braso ko. Naramdaman ko ang hapdi.

Maya-maya pa, unti-unting nawawala ang pag-ubo ko. Epekto yata ito sa tinurok nila sa akin.

Naging kalmado ang pakiramdam ko. Nakaramdam ako ng katiwasayan sa katawan ko lalong-lalo na sa lalamunan ko. Hanggang sa tumigil na eventually ang pagkati ng lalamunan ko.

Tanging andito lang ngayon ay ang dalawang nurse. Nililigpit ang tila na may mga dugo. Nais pa sana akong bihisan, but I obviously decline it. Nakakhiya.

Si Nanay naman andon kausap ang doktor sa labas. Sana naman walang masamang balita.

I realized na habang tumatagal mas lalong lumalala itong sakit ko. I become weaker when time passing by. Hindi na yata kaya pa sa aking immune system ang sakit Kong ito.

It is my first time to puked a blood at lumabas sa ilong ko. I guess it's just one of the symptoms of this illness.

Ako na lang ngayon andito sa loob. The two nurses was left when they done to kept the clothes full with blood. Hinihintay  ko ngasuon si Nanay na bumalik dito sa loob, I wanted to know the status of my disease. Nasa gayon maihanda ko ang aking sarili kung hindi man kagandahan ang resulta nito.

Sobrang natatakot ako.

Naalala ko pa noon, sa madilim lang ako takot. Nong nawalan ng kuryente ang bahay namin at nakikita ko na lang sobrang dilim sa paligid. I remember of it , my mother came along in me when she heard me at shout. Sobrang takot ko noon. I felt something na para bang may humihila sa akin noon. Something na para bang may mga matang nakatutok sa akin. That time, I was terrified and nervous. Iyak lang ako ng iyak noon. Hanggang dumating si Nanay at siya ang nagpakalma  sa akin noon.

Pero ngayon, hindi ko alam kung saan na ako mas takot. Simula nang nalaman ko ang sakit ko. Parang may bultahing kirot at takot sa aking dibdib na lumalabas. Tila bang napanghihinaan na ako ng loob. Maalala ko palang kung ano ang nasa katawan ko, I was felt weak.

Sabi ni Nanay , wag ko na lang daw iisipin ang mga ito, kasi mas lalo lang ako manghihina. But I can't, hindi ko magawa.Tuwing gabi, iniisip ko kung hanggang saan lang ako. Hanggang saan lang ba ang buhay ko.

Maaaring ngayon o bukas pweding mawala ako dahil sa sakit ko.

Sometimes I admit it that I will be gone someday. Pero nakakatakot pala. Marami akong kinakatakutan. Natatakot akong iwan ang pamilya ko. Natatakot akong iwan ang mga kaibigan ko na kahit kailan hindi nila ginawa sa akin.

Natatakot akong hindi matupad ang mga pangarap ko at natatakot akong hindi ko na makita ang mundong ginagalawan ko.

I'm scared to death.

Sabi nga nila kung oras mo na, oras mo na. Hindi mo dapat ito pipigilan. Accept it.

Napa-isip ko rin, kung mayron pa pweding gawin, bakit hindi gawin. Bakit hahayaan na lang kung may paraan lang pala. Bakit tatanggapin mo na lang kung may magagawa pa. diba?

I think isa 'to sa mga taong ayaw ng pahirapan ang mga sarili nila. Yung iba, iniisip ang gastos ng mga mahal nila sa buhay. Kaya ayaw na nilang magpagamot kung may karamdaman. Kaya rin sinasabi nila na...

kung oras mo na, ay oras mo na.

Isang dahilan kung bakit lumalaban pa ako, kasi nakikita ko ang pamilya ko na lumalaban para sa akin. I see how dedicated they are. I see in their eye na kaya pa nila. Kung gaano man ka-gastos simula ma-confine ako ay wala ito sa kanila. Ayaw nilang mawala na lang ako, kung may paraan pa ay talagang ginagawa nila.

Ang hirap.

Ang hirap bumitaw knowing na alam mo may lumalaban para sa'yo.

"A-anak. "Malumanay sabi ni Nanay. Pero bakas sa boses ang takot.

I smiled at her. Alam kung may magandang balita siya sa akin. Magandang balita.

"Nay. kumusta, Anong sabi ng doktor?" excited kung sabi.

Lumapit si Nanay sa akin at hinawakan ang aking kamay. Kita ko ang saya, pero ibang saya ang nakikita ko. Parang.... parang hindi saya. Pinipilit lang maging masaya.

She smiled at me too. " Nak, Wala...okay ang lahat..Okay ang lahat" She confidently said.

Pero bakit iba ang nakikita ko. Bakit parang may mali.

May tinatago ba si Nanay?

" Nak, Sabi ng doktor pwede ka man daw lumabas paminsan-minsan.  Kaya naiisip ko itanong sayo kung mayroon ka bang lugar na gusto-gusto mong puntahan? Baka kasi nabo-bored kana dito."

"Talaga Nay?." masaya kong sabi.

"Oo, para na rin makalanghap ka sariwang hangin." Ngumiti siya sa akin.

"Nay ,gusto kong pumunta sa dalampasigan.  I wanted to see the sunset. Matagal narin hindi ko ito nakikita eh."

"Ikaw talaga, Mahilig ka parin sa sunset 'nak" tsaka pinisil ang pisngi ko.

"Oo naman. I incredibly love to view it Nay."

"Okay sige, mamaya pupunta tayo."

"Totoo Nay?. "

" Oo naman bakit?... gusto mo ngayon na?"

" Eh Alas dyes pa lang kaya Nay, Wala pang sunset ngayon."maktol kong sabi.

"Ikaw talaga." sabay yakap sa akin.

Ibang yakap ang ibinigay ngayon ni Nanay. Sobrang higpit. Parang may mali eh. Hindi naman ganito kahigpit ang yakap ni Nanay dati. Pero bakit ngayon?

May mali ba?


VetBert23

A Reasons' to Live (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon