05

3 1 0
                                    

Mali bang sabihin sayo ang totoo?. Totoo na kung saan magpapalaya sayong isip at magpapagaan sayong dibdib. Mali ba?

Zelle

I was setting in my welchair viewing the sunset once again. Ang sarap sa mata. Kahit alas 5 na ng hapon, dama parin ang init na nagmumula sa araw. Tumatagos parin sa balat. Ang sarap sa pakiramdam.

Sabayan pa ng malamig na hangin nagmumula sa alon ng dagat. Nalalanghap ang maasim-asim na hangin na kailan man hindi ako magsasawa.

I have setted here alone. Ang sabi ko sa magulang ko kanina na gusto kong mapag-isa. Nais kong mapag-isa.

Si Nanay lang ang kasama ko papunta dito dahil may trabaho si Papa.  Andon si Nanay  ngayon sa sasakyan. I guess tinitingnan ako.

Binabantayan.

Naririnig ang tagapsaw ng alon na may kasamang malamig na hangin. Kita ang kulay kahel sa dagat repleksyon mula sa araw. Kahit saan mong tingnan nababalot ito ng kulay. Payapang kulay na nagmumula sa araw.

Hindi ko alam kung ilang oras na ako narito. Hanggang ngayon hindi parin lumulubog ang araw. Pero ang lamig sa paligid ay unti-unti ng bumabalot. Ngunit panay parin akong pinagmamasdan ang araw palubog sa karagatan.

May narinig akong tawanan sa kanan ko. Kaya natuon dito ang paningin ko. Isang grupo ang naglalaro ng Volley ball. Palagay ko ka-edaran ko rin. Napagtanto ko na hindi gaano kalayo ang mga ito mula sa akin.

Kaya tinuon ko muna ang paningin ko. Nanood ako sa kanilang laro. Nakaka-inggit kasi hindi man yan ang sport kong nilalaro, nakaka-inggit rin kasi hindi ko mararanasan pa ang maglaro.

Ilang minuto rin ang panonuod ko sa kanila. Masasabi ko na ang gagaling nila. Talagang makikita mo ito talaga ang larong nilalaro nila noon pa man.

Afterwards, I decided to look the sunset again. Rinig ko parin ang tawanan at sigaw ng isang grupo. But I declined to listen it. I focused what I have view right now. Ang tumingin sa sunset.

Ngunit habang tumitingin ako sa sunset napansin ko na may bola na tumapat sa aking harapan. At may narinig akong malalim na boses galing sa lalaki.

"Pasensiya na."

Napadako ang tingin ko sa nagsalita. Ngunit hindi ko maaninag ang mukha nito dahil sa araw. Pero nang tumapat siya sa akin biglang napanganga ako.

Sobrang gwapo ang kaharap ko ngayon. Parang Greek Goddesses na nababasa ko sa libro. Damn.

Ang gwapo niya.

Tila may magnet sa kanyang mukha na kahit iwasan ko ang aking tingin ay mas lalong hinihila lamang ito. Alam niyo 'yon, lahat nasa paligid ko ay nag-simulang mag- slow motion. Na ang kanyang gwapong mukha ang tanging nakikita ko. May kung anong kirot din akong naramdaman sa dibdib ko at bumilis ito sa pagtibok.

OMG! What is happening?

Anong nangyayari sa'kin?

"Can I get my ball?" aniya niya. Habang ako nakatitig parin sa kanya.

Ang ganda ng boses niya. Ang sarap sa tenga. Ano ba!.

"Hey, are you okay?" pag-tatanong niya.

"Hey" rinig kong ulit niya.

Bigla akong napakurap.

" Ha?..May sinasabi ka?" pagtatanong ko. May sinabi ba siya?

Ano bang sinasabi niya?

He smirked. " I said, Can I get my ball?"

Shit Zelle nakaka-hiya ka!

" A-anong ball sinasabi mo?" 'di ko alam bakit ganito lumabas sa bibig ko. Nawala ako sa sarili ko.

A Reasons' to Live (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon