𝐭𝐰𝐞𝐧𝐭𝐲 𝐟𝐨𝐮𝐫

11 3 0
                                    

ᴇᴜɴᴊɪ ᴘᴏɪɴᴛ ᴏғ ᴠɪᴇᴡ

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ᴇᴜɴᴊɪ ᴘᴏɪɴᴛ ᴏғ ᴠɪᴇᴡ.

Nakaayos na ako at ang hinihintay ko na lang ay si Soobin dahil nga susunduin niya ako. Bakit niya kaya ako niyaya?

Hindi naman sa paga-assume or what pero may gusto ba siya sa akin? Awit, ang delulu ko naman. "Eunji may kotse na naghihintay sa labas," saad ni Mama.

Nagulat naman ako. Edi ibig sabihin ay nandito na si Soobin? "Mama, aalis na po ako," saad ko, nagtaka naman bigla si Mama.

Jusko po, tatanungin na naman ako nito ni Mama panigurado. "Saan ka pupunta?" Tanong niya, sabi na eh. Napakamot naman ako sa batok ko.

"Uhm... gagala lang po." Sagot ko, wag kang kabahan Eunji... "Sinong kasama mo?" Tanong niya, help! Sabi na itatanong niya 'to eh.

Sorry talaga Lea kung idadawit kita.

"Si Lea po, gagala po kami," pagsisinungaling ko, damn sana paniwalaan niya.

"May kotse si Lea?" Tanong ni Mama, shocks! Oo nga pala! Nakalimutan ko yung kotse sa labas.

"Uhm... O-Opo! Opo! Bago lang!" Saad ko at awkward na napatawa.

"Sabihin mo sa kanya, pasakay ako sa kotse niya sa susunod ha!" Saad ni Mama kaya napatango naman ako at sabay nun ay ang pagtunog ng doorbell.

"Aalis na po ako!" Saad ko at dali daling pumunta sa pintuan. Shit! Pagkabukas ko ay si Soobin agad ang bumungad.

"Hi Soobin! Tara na!" Saad ko at hinila siya papunta sa kotse niya. Feeling ko tuloy nagtataka siya sa kinikilos ko.

Wala na lang siyang sinabi at binuksan ang kotse niya, pumasok naman ako agad. "San ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Soobin pagkapasok niya ng kotse.

"Secret," saad niya at ngumisi, napataas na lang ako ng kilay at hindi na nagtanong.

-•-

"Wait, hindi ba tayo sisitahin dito?" Tanong ko kay Soobin, I don't know kung nasaan kami.

Nag stop naman siya ng pagmamaneho. "Let's go, Ji," saad niya, kahit nagtataka ako ay bumaba na lang ako ng kotse para sundan siya.

Naglakad naman kami pareho sa kuba kubang daan, minsan nga ay tumitingin pa siya sa akin. Nagulat naman ako ng bigla niyang in-offer ang kamay niya.

Am I supposed to take it or what?

"Take it para hindi ka matapilok," saad niya ng makitang nagtataka ako, hinawakan ko na lang ang kamay niya at muli kaming naglakad.

Well malambot ang kamay niya, I can't deny that hehe. It really fits mine.

Maya maya ay nakadating na din kami sa field. Wait, meron pa lang field dito?

"Private property ba 'to? Baka hindi tayo pwede dito," saad ko, umiling naman siya. "It's not a private property kaya wag kang mag-alala," saad niya na may ngiti, labas pa yung dimples hehe.

"Okie," saad ko, actually maganda siya. May instagram vibes hehe.

Nag start naman akong mag picture, minsan nga ay nagpapa-picture pa ako kay Soobin pero I'm still curious bakit kami nandito.

"So, anong ginagawa natin dito?" Tanong ko kay Soobin, nagsimula naman siya maglakad ulit kaya sinundan ko siya tapos bigla ulit siyang tumigil.

Wait, picnic? Magp-picnic kami? Ay wow! Boyfriend material ehe.

"I have something to tell you and It's very important," saad niya, napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya.

Huminga naman siya ng malalim kaya mas lalo akong kinabahan. Wait, magc-confess na ba siya? Awit!

"I like you, Eunji. I like you even before you chatted me in twitter at 3am," Saad niya, nagulat naman ako.

Wait what? Gusto niya ako bago ko pa siya i-chat sa twitter?

"I know you like me pero hindi ko akalain na mas nauna mo pala akong nakilala bago kita nakilala," saad ko, tumango naman siya at tumawa.

"Funny, right? Hindi ko din inexpect eh," saad niya, hindi talaga.

"Wait, you know I like you?" Saad niya, tumawa naman ako at tumango.

"Yeah," sagot ko.

"How?" Tanong niya, nag shrug naman ako.

"I don't know, pakiramdaman lang. I'm not that numb, Soobin," saad ko, ngumiti naman siya.

"So... you don't need to answer me pa, I can wait," saad niya, umiling naman ako.

"Sus! Tatanggi pa ba ako? Matagal na din kitang gusto 'no! Nauna ka nga lang na-fall!" Saad ko at tumawa, tumawa din naman siya.

"So, that means you're my girlfriend now?" Tanong niya, ngumisi naman ako.

"If you want me to," saad ko at kumindat pa.

3𝐚𝐦 , 𝐜.𝐬𝐛 ✓Where stories live. Discover now