Episode 66

422 15 3
                                    

Makalipas ang tatlong araw naming bakasyon umuwi na kami sa bahay...Laking pasasalamat naman namin dahil nabawasan na ang kalungkutang nadarama namin kasi syempre ayaw din ni dad na malungkot kami..

Si ate hindi na muna bumalik kaagad sa UK kasi ayaw din niyang iwanan si mommy na hindi pa masyadong okey...

Kami rin ng asawa't mga anak ko kelangan naming umuwi sa bahay dahil may pasok pa sa school ang mga bata at tuwing weekend lang kami mkapunta para kamustahin si mommy...

Naging maayos naman ang takbo ng kompanya at ang pag-aaral ng mga bata...Matapos ang mahigit na isang buwan naisipan kong ipalinis ang office ni dad...Nang pumasok ako sa kanyang office naupo na muna ako sa swivel chair niya at may naalala ako na may sinabi pala siya sa akin nung huling nagkausap kami...Agad kong hinanap Yong envelope na sinabi niya sa akin na nasa drawer saw ng kanyang mesa..Ilang ulit ko pang hinalungkat ang nasa drawer bago ko nakita ang sinabi niyang envelope.. Agad ko naman itong binuksan at nagulat ako sa nakita...Nakasaad dito na sa akin niya ipinamana ang kompanyang pinapatakbo naming mag-asawa at meron din siyang iniwang tatlong certificate galing ng ADMU na nakalagay names ng tatlo Kong anak..Isa itong schooling plan para sa kanila hanggang sa pagcollege nila sa kahit na anong kurso ang nanaisin ng mga bata...

Napaluha na ako sa aking natuklasan..Inihanda na pala ni daddy ang lahat-lahat para sa amin...

Ilang minuto akong nasa ganoong sitwasyon nang pumasok si jema...Nakita niyang may mga luha sa mga mata ko...

"Hubby love" agaran nyang wika sabay yakap sa akin.."Andito lang ako palagi my love"dagdag wika pa niya at mas humigpit ang yakap niya sa akin...

"Thank you wifey love sa support at sa lahat-lahat" at gumanti na rin ako ng yakap sa kanya...

"Matagal na sigurong may iniinda si daddy na hindi niya lang pinapaalam sa ating lahat wifey love" wika ko habang pinupunasan ang mga luha sa mata ko..."At dahil ayaw niya tayong mag-alala sa kanya kaya niya siguro inilihim lahat ng pinagdaraanan niya kasi itong binilin niya para sa atin eh mag-iisang taon na ito mula ng ginawa niya ito"dagdag wika KO pa at iniabot ko ang envelope ma hawak ko...

Habang pinagmasdan niya ito napaluha na rin siya sabay usal"Thank you daddy sa lahat ng ginawa mo para sa amin ni Ella at sa mga apo nyu rin at ipinapangako namin ni Ella na hanggang sa makakaya namin palalaguin namin itong kompanyang ipinagkatiwala nyu po sa amin at titiyakin din naming lumaking mabubuting tao at mababait ang mga apo nyu po"...

till I met you(Nagkataon,nagkatagpo]Where stories live. Discover now