Matapos ang aming bakasyon umuwi kaming may mga ngiti sa labi...Masaya kaming lahat dahil halos lahat ay nag-enjoy na nakipagsaya sa selebresyon namin...Masarap din isipin na kahit na may dumaang pagsubok sa buhay namin ay nagkaroon pa rin kami ng time na makapagbonding ang buong pamilya at kasama rin mga malalapit naming kaibigan...
Siguro to too nga ang kasabihang 'lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan' at siguro nga sinubukan din kami ng tadhana para mas lalong maging matatag ang aming relasyon..
Nakatulog ang mga anak namin habang nasa biyahe pati na rin ang kasambahay namin maliban sa aming mag-asawa...
"Wifey love naenjoy mo ba ang bakasyon natin"tanong KO Kay jema...
" Syempre naman love at natuwa rin ako na nag-enjoy ang mga pamilya natin"tugon naman niya..."At salamat talaga sa pagmamahal at sa pag-aalaga mo sa amin ng anak natin at sa gift na binigay mo"dagdag wika pa niya at ginawaran ako ng halik sa pisngi habang nkapatong ang kamay niya sa binti ko....
"Lahat ginawa ko para sa pamilya na binuo natin love kaya nga nagsisikap tayo para maibigay natin ang magandang kinabukasan para sa kanila"wika KO nman at bahagyang sinulyapan KO lang siya....At lahat gagawin ko hangga't kaya ko maibigay ko lang lahat ng pangangailangan ng pamilya natin"mahabang wika ko sa kanya....
Naging abala na ako sa pagtingin sa kalsada dahil nasa sentro na kami ng siyudad kaya matraffic na...Pero patuloy pa din kaming nagkukuwentuhan...Napag-usapan din namin ang mga naging karanasan namin noong nagsimula pa lang kami...Yong mga time na halos panakaw lang ang mga ginagawa naming pagsisiping dati at noong mga panahong sobrang pagpipigil naming dalawa dahil pareho pa kaming nag-aaral...Napangiti nalang ako sa mga naging topic ng kuwentuhan namin na siya namang pamumula ng kanyang pisngi...Mas lalo pa akong napangiti sa mga alaalang iyon...
Makalipas ang ilang oras malapit na kaming makarating sa bahay kaya sinenyasan ko ang driver na nkasunod sa amin lulan sa sasakyan ni jema ang pamilya niya at sa isa pang sasakyan naman si kuya jorenz at si mommy na dumaan muna kami sa isang kainan para mkapaglunch na rin....
Pumasok kami sa isang Thai restaurant dahil ito ang paborito ni jema...
Hinarap naman kami ng receptionist kaya sinabihan naming mgpahanap kami ng pwesto na kung saan kasya kaming lahat...
Tinawag niya ang isang waiter at sinabihang ipaghanda kami ng mesa...Sakto rin daw na bakante ang second floor ng resto kaya doon niya kami pinapunta...Pinauna KO na sila para makaupo at ako na ang umorder ng foods...Pero bago pa mn sila nkatalikod tinanong ko muna sila kung may gusto ba silang oorderin...Kaya matapos nilang sabihin ang mga gusto nilang idagdag binigay KO na ang listahan ng inurder namin at sumunod na rin ako sa kanila...
Habang naghihintay ng order namin masaya silang kumukuha ng mga litrato na kasama ang buong pamilya kaya naisipan KO na ring kumuha ng videos para na rin remembrance namin na kasama ang isang nalaking pamilya...
YOU ARE READING
till I met you(Nagkataon,nagkatagpo]
Romancea story of two strangers which turn into lovers...# for jella Stans over there🥰 #jema galanza #Ella de jesus #love has no boundaries when it strikes like a lightning..