Matapos naming nakapag-almusal nag-aya si tatay jess na mgpasyal daw kami sa Lola ni jema sa may manggahan.
May kalayuan din yon sa kanila kaya ginamit namin ang sasakyan ko pra hindi n rin mapagod kung maglalakad pa...
Paalis na sana kami ay sya ring paglabas ng mga kapatid nya kaya dalidali n rin silang kumain at naghanda pra mkasama sa amin....
Iginiya nalang s akin ni jema na katabi ko ang daan patungo roon...
Habang nasa biyahe kami masaya lng nilang kinukwento ang mga karanasan nila dati at ang kabataan ng magkakapatid..
Natuwa naman ako kasi sobrang feel at home talaga ako kasi di naman nila ako itinuring na ibang tao..At naapreciate ko yon sobra..Wala na talaga akong mahihiling pa...Ito n talaga ang gusto ko makasama hanggang sa pagtanda ko...Hopefully lang na sana walang magbago kung anuman ang relasyong meron kami sa ngayon...
Makalipas ang ilang minutong pagmamaneho itinuro na nila sa akin ang manggahan...At sakto namang napakaraming bunga nito...Napamangha ako sa nakikita ko sa paligid kasi kahit na maraming naglalakihang mga puno napakalinis naman nito...
Pagkatapat n namin sa may gate,bumaba na si tatay jess pra pagbuksan ito at nang makapasok din kami...Nasa dulo nito may isang di naman kalakihang bahay pero maaliwalas namn ito...Ito na ang bahay ng kanyang Lola na ina ni tatay jess...
Inihinto ang sasakyan sa may gilid banda at nglakad na lng kami papunta s naturang bahay...
Nadatnan namin ang Lola niya na may binabasang aklat...
Nagmano n kami sa kanya at nagtataka nman sya ba't nagmano rin ako na di naman pamilyar sa kanya ang itsura ko....Napansin nman yon ni tatay kaya ipinakilala nya ako..Ang buong akala ko magagalit ito kasi nga syempre di nman ako tunay na lalaki eh,pero laking gulat ko nang nginitian nya ako at sinabihan akong iingatan ko raw ang apo niya...Niyakap ko naman si Lola at nangako rito n kahit ano pa mn ang mangyari hinding-hindi ko sasaktan si jema...
Matapos ang pag-uusap naming yon ngpahanda n si Lola ng pananghalian sa kasambahay nila...Nagpahuli n rin sya ng dalawang native n manok pra gawing tinola...
Tumulong na rin si mama s pagluluto habang kami inaya ni tatay na magpunta sa manggahan at mamitas daw kami...Tuwang-tuwa namn kami dahil ngayon pa ako mkaranas ng buhay probinsiya...
Naaliw akong pinagmasdan si jema at mafe na nag-uunahan s pag-akyat sa puno habang kami naman ang tigasalo sa mga pinitas nila...Bukod sa mangga may mga mangosteen at kaimito rin doon....
Habang masaya kami,tinawag n kami ng kasambahay at kakain n raw...
Bumaba na sila jema at mafe,sumunod n kami sa kasambahay...Nakahanda n ang hapag kainan pagkapasok namin sa loob ng bahay...Tinolang manok at may pritong isda na nkahain at may atsara rin na gawa ng lola niya...
Masaya ang tanghalian at sobrang busog namin kasi napakasarap ng pagkain...
Pagkatapos ng tanghalian ngkuwentuhan lng kami saglit at ngpaalam n ang mga matanda na magsisyesta raw ang mga ito...Kaya lumabas na kaming apat para magpasyal sa labas...
Napadako kami sa bandang dulo at nakita kong may batis doon..Napagod n mga kapatod niya kaya bumalik n ang mga ito sa bahay at matutulog dw sila kaya naming dalawa nlang ang naiwan...
Magkahawak kamay kami na namamasyal sa paligid at paminsan minsan hinahalikan ko ang mga kamay niya...
"I love you so much baby love" sambit ko sabay kindat sa kanya...
Nakita kong kinilig ito at namumula ang mga pisngi niya"mahal n mahal din kita my love sobra"saad niya at pasimpleng dinampian ako ng halik...
Masaya kami pareho sa bawat isa at nangako kami na gawin naming inspirasyon ang bawat isa sa araw-araw...
YOU ARE READING
till I met you(Nagkataon,nagkatagpo]
Romancea story of two strangers which turn into lovers...# for jella Stans over there🥰 #jema galanza #Ella de jesus #love has no boundaries when it strikes like a lightning..