Episode 73

670 13 17
                                    

Mabilis n lumipas ang araw at nanatiling ako ang in-charge sa production dito sa laboratory dahil naextend ang leave ng aming empleyado...

Naging abala ang lahat ng nasa production department dahil sa maraming demand ng aming produkto..Nasa kasagsagan kami ng operation nang sabihin ng isang tauhan namin na nagkakaroon ng pagpalya ang isang machine ng laboratory.. Agad namang tinawag ang engineering department para matingnan kung ano ang diperensiya at sumama na rin para makita ko rin ang sitwasyon...Habang inaayos ang machine pinagbreak KO n muna ang mga trabahante roon at tatlo na lang kaming naiwan,ang operator ng machine, engineering technician at ako..

Sinuri nang maayos ng technician ang naturang machine at nang maayos na sinabihan niya ang operator na subukan itong paandarin ulit...Nang pinaandar na gumana naman ito subalit makalipas lang ang ilang sandali nagkaroon ng maliit na spark ang naturang makina hanggang sa pumutok na ito....

Jema's POV:

Abala ako ngayon dahil nagkaroon ako ng meeting sa isang kliyente at kasama ko ang secretary para maisaayos na ang oorderin niyang mga gamot...Matapos kaming nakapagpirma ng kontrata,agad naman nagpaalam ang aming client na umalis na  rin...Kaya inaya ko ang aking secretary na dumaan na muna kami sa cafeteria ng kompanya para mkapagmeryenda...

Nang makapasok na kami nagulat kami dahil maraming tauhan namin ang kasalukuyang nakaupo at nagkukuwentuhan...

"Magandang araw po ma'am jema" halos sabayang wika pa nila..Nginitian ko naman sila...

Hinanap ko ang kanilang supervisor para alamin ang dahilan kung bakit halos sabayan silang lahat na narito sa cafeteria...Sabi ng isang empleyado nag-cr pa raw ang kanilang supervisor...

Nang makabalik na ito agad namang lumapit ito sa akin...

"M-magandang araw po ma'am jema" paunang wika niya...

"magandang araw din sa'yo pangs" tugon ko naman...

"Bakit halos lahat yata kayo andito sa cafeteria ngayon" tanong ko...

"Eh kasi po ma'am jema nagkaroon ng pagpalya ang isang machine roon at sinabihan kami ni boss DJ na magbreaktime nalang daw muna habang aayusin pa raw ng engineer Yong machine.Bale tatlo LNG po sila roon ang naiwan" mahabang paliwanag ni pangs...

"Ah ganoon ba sige salamat" wika ko at umupo na rin kami sa dulo ng cafeteria.. Nagpaorder nalang ako sa secretary ng fruit juice at burger... Habang hinihintay ko ang pinaorder ko parang biglang kinabahan ako na di KO mawari...Kaya naisip kong tumawag muna sa bahay para kumustahin ang mga bata...Nasa maayos naman sila at kasalukuyang naglalaro ng kanilang Lego...

Di nagtagal bumalik n rin amg secretary ko dala ang foods kaya kumain n kami...

Lumipas ang ilang minuto at natapos na kaming kumain,pinauna KO na sa office ang secretary at tinawag KO si pangs para samahan akong sumilip sa production area nila dahil hanggang sa mga oras n ito di pa rin humuhupa ang pagtambol ng aking dibdib dahil sa sobrang kaba...

Nasa ground floor pa ang production area kaya sumakay pa kami ng elevator.. Habang lulan ng elevator napag-alaman kong masyado raw silang busy dahil nga sa napakaraming orders na kailangan naming  ihabol sa deadline nito...Sinabi rin ni pangs na sobrang bait daw ni boss DJ sa kanilang lahat..At hindi raw sila nahirapang magtrabaho na kasama ang kanilang boss DJ dahil sa madali lang daw itong lapitan kapag may mga katanungan sila tungkol sa trabaho nila...

Makalipas ang ilang saglit huminto na ang elevator as ground floor.. Nang bumukas ang pinto agad naming tinungo sa bandang dulo ang dressing room na kung saan naroon ang mga lab suits na susuotin bago pumasok sa loob...Matapos kaming nakapgsuot ng suits agad kaming pumasok sa loob..

Pagkapasok namin sa loob agad na tumamabad sa amin ang makapal na usok kaya halos di namin makita ang daraanan namin..Tahimik ang loob kaya lalo akong kinabahan.Napahawak na ako sa braso ni pangs dahil parang naghihina ang mga tuhod KO na anumang oras bibigay na ito...Tinanong ko si pangs bakit ganito ang nasa loob pero di rin siya makasagot kaya mas lalo pa akong kinabahan na halos nanginginig na ang aking kalamnan..Nang halos nasa gitnang bahagi n kami ng laboratory tinanong ko siya kung nasaan banda ang inaayos na machine..Agad naman niya itong itinuro subalit nabigla kami dahil sa nakita naming parang sumabog ito....

Parang sumabog na rin ang aking dibdib kaya agad kaming tumungo roon para tingnan ang nangyari...

Pagsapit namin doon halos gumuho ang aking mundo dahil nadatnan ko ang aking asawang walang malay pati na ang dalawa pang kasamahan niya..Halos hindi na makilala ang kanilang anyo dahil naliligo na sila sa sariling dugo..Inutusan ko si pangs na tumawag ng tulong dahil pati siya rin ay halos Hindi mkagalaw sanhi ng shock...

Awang-awa ako sa aking asawa dahil sa nangyari..Humagulhol na talaga ako dahil di KO na napigilan pa and aking sarili...

"Hubby love gising,please lumaban ka"tanging nausal ko....

Ilang sandali pa may sumaklolo na sa amin..Dumating na ang medical team n may dalang mga stretchers...Pinagtulungan nilang buhatin ang mga pasyente kasama na ni Ella...Ibinilin KO na muna Kay pangs na sabihan mga kasama niya na umuwi nalang muna dahil kailangan pang I check ng inspector ang area para mkasigurong safe na ba....Matapos Kong nagbilin sumabay na ako sa ambulansiya na lulan ang asawa KO na hanggang ngayon wla pa ring malay...Linagyan LNG siya ng oxygen pansamantala para tulungang makahinga habang hinahawakan ko ang kanyang kamay patuloy pa ring tumutulo ang luha ko dahil sa sinapit niya...

Mabilis ang takbo ng ambulansiya kaya agad naming narating ang st.Luke's hospital at agad ding isinugod siya sa emergency room...

Naiwan ako sa labas ng emergency room na umiiyak pa rin dahil di ko lubos maisip kung ano ang gagawin ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ni Ella...Buti naisipan kong andito pala sa maynila si mafe kaya siya ang naisip Kong tawagan pra samahan ako rito sa hospital...

Di naman nagtagal dumating na ang kapatid ko...Nadatnan niya akong halos mahimatay na rin dahil sa sobrang pag-iyak ko...Inalo naman niya ako kaagad at sinabihan akong wag daw ako masyadong magpadala sa emosyon dahil may mga anak pa kaming nangangailangan sa amin... Sinabi na rin niyang tinawagan na niya sina tatay para ipaalam ang nangyari Kay Ella...

Lumipas pa ang ilang oras hindi pa rin lumalabas ang mga doktor na nag-aasikaso Kay Ella kaya halos maubos n ang luha KO sa kakaiyak...Mabuti nlang at dumating na rin sila tatay...Yumakap ako sa kanila para kahit konti mahimasmahasan ako...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

till I met you(Nagkataon,nagkatagpo]Where stories live. Discover now