Kabanata 18

3.5K 176 440
                                    

Shots Amidst The Wild Boos

Kabanata 18


Hindi ko malaman kung pinagtiripan lang ba niya ako o ano. Ang hirap talaga espelingin ng taong 'to kahit kailan!

"Oh, Jam, bakit? Morning!" masiglang bati ni Ate Renisa sa kusina, may niluluto.

"May ipalilinis daw po si Kawi sa kuwarto niya," ngiti ko rin. "Morning din po."

"Ha? Malinis na ang kuwarto niya, ah? Pati ang taas, malinis. Kalilinis mo lang no'n noong nakaraan."

'Diba?! Tarantado anak mo talaga, Ate Renisa! Trippings sa umaga!

"Tingnan ko na lang po sa loob," tumawa ako ng peke. "Nandiyan po ba siya?"

"Oo, may lakad siya ngayon. Nagluto ako ng hotdogs at fried dilis sa kamatis, bubukuran kita at iuwi mo sainyo para may ulam kayo ni Celeng. Magaling na ba ang kapatid mo?"

"Opo, Ate Renisa. Kabag na lang. Utot lang po katapat no'n."

Humalakhak siya. "That's true. Nalamigan lang siguro. Sana makautot siya nang malakas."

Hindi ko rin mapigilang matawa. Si Ate Renisa talaga ang cute! Sarap hilahin sa anit!

Pinasok ko ang kuwarto ni Kawi. Walang bahid ng dumi ang kabuuan ng kaniyang silid, maaliwalas tulad sa tuwing nililinisan ko. Ang kaibahan lang, nagwagadas ang mga damit sa closet niya.

Mag-aayos ako ng damit? Declutter?

Bumukas ang pinto ng bathroom, lumabas doon si Kawi. Tagaktak ang mga butil ng tubig sa katawan na siyang sinasalo ng hanggang baywang niyang tuwalya.

"Anong lilinisan ko?" tanong ko agad.

Sinuklay niya ang basang buhok patalikod bago tinuro ang closet. "May mga tee shirts akong masikip na sa'kin at 'di ko na sinusuot. Aalisin 'yung hindi ko na kailangan."

"Paano ko malalaman?"

Inanto, balak yata akong magmano-mano.

"Separate the medium and large. Halo-halo ang round neck at V-neck. 'Yung round neck ang 'di ko na susuotin."

"'Yung medium-sized 'yung hindi rin?"

"Hmm."

Lumapit ako sa closet at sinimulan nang gawin ang tungkulin. Karamihan sa kulay ng shirts niya ay deep maroon at pine green. Amoy Downy antibac din.

Humugot ng damit at shorts Kawi sa gilid. Ako naman, itinatabi na sa kama ang mga crew neck shirts.

"Kapag large tapos round neck, tatanggalin din?"

"Basta crew neck."

Pumasok siya sa banyo para magbihis. Buti naman at hindi sa tabi ko naisipang magpalit. Akala ko wala na talagang natitirang decency e.

"Maganda naman ang tela tapos maayos, bakit ayaw suotin?" ngumuso ako. "Pwede 'to ibenta online e. 'Pag si Sab nagbenta neto, maraming kukuha."

Karamihan pa sa damit ni Kawi, branded. Hindi naman iyung branded na mamahalin talaga, saks lang para sa may mga kaya sa buhay na gawing pambahay ang may pangalan.

Kung tropa ko lang siya, hihingiin ko na 'to e. Edi may pangpalit-palit pa sana ako kapag nagte-training kami. Cotton pa naman at presko talaga sa katawan.

Kawi came out of the room after changing. Ang tagal ko pang ibaba ang mga damit dahil nagagandahan ako sa tela. Anong gagawin niya rito? Pamunas na lang?

"Tanungin mo nga si Jam kung nag-almusal na ba 'yon! Kawi, it's so early at pinagtrabaho mo agad 'yung bata!"

Rinig na rinig kong pinapagalitan ni Ate Renisa si Kawi sa labas. Wala pa akong kinakain, nagkape lang ako. Hinihintay namin si Mama magising dahil sabi niya, siya raw ang magluluto ng amusal para sa pamilya.

Shots Amidst The Wild Boos (Achievers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon