Shots Amidst The Wild Boos
Kabanata 30
"Avocado, berries, such as blueberries, strawberries, and raspberries. Citrus Fruits, tulad ng oranges, lemons, and grapefruits. Kabilang din ang papaya, watermelon, pineapple, saging. At kiwi," napanguso ako. "Lahat ng nabanggit ko ay mayaman sa bitamina, minerals, antioxidants, and other nutrients that can benefit your skin."
"Lahat ng nabangganit ni Ms. Floresmo ay nakakapag-provide rin ng essential nutrients that support eye health and protect against various eye conditions," patuloy ni Eris. "Kabilang ang ubas sa kayang magprotekta sa retina natin. It contains antioxidants like resveratrol."
"It's not true that all fruits are low in sugar," turan ni Rainiel, kagrupo namin ni Eris. "Some, like bananas, grapes, and mangoes, have higher natural sugar content. While these natural sugars are healthier than added sugars, eating large amounts can still affect blood sugar levels, especially for diabetics."
"Fruit juices aren't as healthy as whole fruits because they often lack fiber and can be high in sugar," paksa ni Mau. "Similarly, dried fruits are more calorie-dense and frequently contain added sugars and preservatives."
"While fruits are healthy, they don't provide the same range of nutrients as vegetables," dugtong ko. "Hindi sila interchangeable. Each has unique nutrients and health benefits that the other might not provide."
Nagpa-on the spot report sa amin ang professor para alamin kung may alam pa kami sa mga itinuro noong senior. Ayaw pang sabihin na tinatamad lang mag-lecture.
Ang bagal ng oras. May training pa kami pagtapos ng dismissal. Bukas naman, Sabado, may training ulit. Sa Linggo lang ako buong maghapon na nasa bahay. Sana pwedeng mauna na lang ako sa Sabado.
"Kami oorder ni Jam," inakbayan ako ni Sab. "Akin na pera niyo."
"Dried noodles and rice with five siomai on top," inabot ni Lav ang pera niya kay Sab. "Don't forget my cold water, ha."
Binigay nila kay Sab ang pera nila at gustong orderin. Gusto ko na lang maging ibon dahil alam ko na agad kung bakit biglang gusto niyang kami ang bibili ng lunch.
"Akala mo ba nakakalimutan ko ang nasaksihan ko kahapon," halos sakalin ako ng braso niya nang maglakad na kami paalis. "Spill the tea."
"T.E.A."
"Hindi mo ako madadaan sa tarantadong humor mo, teh."
"Ka-low-key ko."
"Ikaw?! Maglo-low-key?! Tinggil mo, teh!"
"Seryoso nga," nanggigigil kong sabi. "Manliligaw ko 'yon. 'Wag ka munang maingay kina Rai, please? Baka mausog."
"College ba 'yon?"
"Incoming first year."
"Ha?"
"Mas matanda sa'kin ng tatlong taon. Nag-stop kasi ng pag-aaral."
"Hmm. Parang ang pogi no'n, ah? Kainis, 'di ko nakita mukha! Shuta ka, akala ko harot-harot lang tayo! May siniseryoso ka na pala! Single hanggang graduation nga 'diba!"
"Hindi ko pa naman sasagutin. 'Tsaka, feeling ko, malayo pa kami sa part na 'yon. Kinikilala pa namin ang isa't-isa. Hindi rin naman kami nagmamadali. Alam niya priorities ko, at gusto kong unahin niya muna ang pag-aaral niya. Hindi namin priorities ang isa't-isa, pero alam mo 'yon? Mahalaga at espesyal kami sa bawat isa."
"Baka naman red flag 'yan?"
"Hindi ako papatol sa red flag."
Hindi na Elmo ngayon si Kawi, siya na si Tango.
BINABASA MO ANG
Shots Amidst The Wild Boos (Achievers Series #2)
RomanceJam, a sister and daughter, became a volleyball athlete solely to support her financial education through its benefits. Alam niya kasing hindi afford ng mga magulang niya ang matrikula at gastos sa pagpapaaral sa kaniya. Wala siyang ibang goal kundi...