Warning: Contents may trigger some individuals.
Shots Amidst The Wild Boos
Kabanata 32
"Nariyan ang kapatid ni Sir Lemuel. Si Hilda at Trina. Ako naiinis talaga ako sa pagmumukha ng dalawa. Kung tingnan ka, para bang ang liit-liit mong tao."
Abala ako ngayon sa paggawa ng case study namin sa multidisciplinary subject, katuwang ang ka-partner kong medical student. Nakakaurat dahil analytical study pa. Ang gastos!
"Inaway ka, Ma?"
"Hindi. Nababadtrip lang ako dahil nga ang talas tumingin. Dami ngang utos. Ginawa akong katulong!"
Nagtagis ang bagang ko. "Sa susunod na utusan ka, Ma, 'wag mo pong sundin. Masasanay 'yang mga 'yan e. Anong tingin nila sa'tin? Katulong na binabayaran nila? Dadaigin pa nila si Ate Renisa na nahihiyang utusan tayo kapag nagpapatulong."
"Talaga!"
Ilang linggo na rin kami ni Kawi sa setup namin. Hindi niya ako araw-araw nahahatid-sundo dahil magkaiba ang class schedule naming dalawa. Nagkakausap lang din kami tuwing may ipinapatulong si Ate Renisa.
Sinabihan ko na siyang 'wag magpapalinis kung wala naman talagang ipalilinis. Guilty lang kasi ang inaabot ko. Masiyadong siyang malaki magbigay at hindi ko gustong hindi naaayon sa ginagawa ko ang natatanggap ko lalo't sinusuportahan niya rin ang sarili niya.
Ang galing niyang dumiskarte. Bumili siya ng secondhand na motor at ginawa niyang pang-arkila. Mga kakilala niya lang din ang umaarkila ng in-invest niya para gamitin sa rides. Ang wais mag-isip.
"Hindi ka ba marunong kumatok at pasok ka na lang nang pasok?"
Nahinto ako nang sitahin ng isang ginang. Si Hilda.
"Pasensiya na po, pero kilala naman po kasi ako nina Ate Renisa," magalang kong sabi. "Alam naman po nilang pumapasok ako sa bahay nila nang hindi na nagpapaalam."
"Hindi ko gusto ang pag-uugaling ganiyan. Matuto kang kumatok kapag papasok."
Ay, bahay niyo ba 'to? Echosera. Hindi naman plakado ang foundation.
Tumango ako at tumuloy sa kusina. Ang sadya ko rito ay mag-bake ng chocolate mini cakes. Nasa business shop si Ate Renisa at humingi lang ng tulong sa akin na gumawa ng cakes para sa customer niyang nag-rush demand.
"What are you gonna do? Bakit nangingialam ka ng mga gamit? Do you have permission?"
Inang 'yan oh.
"Opo."
"Who said?"
"Si Ate Renisa," binalingan ko ang striktong ginang. "Gagawa po ako ng cake. Pinasuyo po sa akin ni Ate Renisa dahil may order."
"Where's your proof?"
Kumunot ang noo ko. Gusto ko siyang barahin pero matimpiin ako sa mga may edad na.
Nilabas ko ang cellphone ko at pinakita sa kaniya ang kaninang text ni Ate Renisa. Tinigil ko pa ang ginagawa kong case study para lang dito.
"Ayoko ng maingay at makalat."
"Magbe-bake po ako ng bente pirasong cake. Imposibleng hindi ako magkakalat."
"Then do something to make it not look messy! I don't want a mess!"
Edi takpan mo ang mga mata mo! Tonta!
Mabigat ang mga yabag niyang umalis. Umirap ako.
Baka nasampal na siya ng chef kung chef ang sinabihan niya. Nasaan ba ang utak no'n?
BINABASA MO ANG
Shots Amidst The Wild Boos (Achievers Series #2)
RomanceJam, a sister and daughter, became a volleyball athlete solely to support her financial education through its benefits. Alam niya kasing hindi afford ng mga magulang niya ang matrikula at gastos sa pagpapaaral sa kaniya. Wala siyang ibang goal kundi...