Kabanata 19

3.8K 193 326
                                    

Shots Amidst The Wild Boos

Kabanata 19


Naghilamos ako ng mukha nang sa gano'n ay hindi halatang galing sa pag-iyak. Naririnig ko pa si Mama na may ginagawa sa kuwarto. Sigurado akong inabala niya lang ang sarili para hindi makatulog sa paghihintay sa akin.

"Diyan ka na, Jaa?"

"Opo, Ma," tikhim ko. "Nakawala si Pudding sa kanila. Dito muna natin patulugin."

Feel at home si Pudding at tumabi na agad sa natutulog na bata. Sabi pa naman ng kapatid ko kanina, pasalubungan ko siyang burger. Hindi na tuloy ako nakabili.

"Bukas pa gate nina Renisa, 'nak?" takang tanong ni Mama sa loob.

"Oo, Ma. Nakita ko pa si Kawi sa labas."

"Tambay talaga 'yang bata na 'yan. Kunin mo rito mamaya ang kulambo at magkulambo kayo ni Celeng. Maulan ngayon at marami na naman ang lamok."

"Sige, Ma. Hinsaw lang ako."

Habang nasa loob ng banyo, nakaupo sa inidoro, walang ginawa ang isip ko kundi ang kalikutin nang kalikutin ang labi.

Tangina, nilaplap ako ni Yago.

"Omg, shet, hindi na ako virgin," napapikit ako nang maalala ulit 'yon. "Hindi na naman ako makakatulog nito."

First kiss ko 'yon! Hinalikan niya ako! First ko siya!

Para akong baliw sa higaan, pagulong-gulong lang. Ang mas nagpalala pa ng sanhing hindi pagtulog, nang mapagtantong nakita ni Kawi ang paghalik ni Yago sa akin!

Kaya pala sinabi niyang kiss sabay alis! Dahil nakita niya! Punyeta!

"Tagal ng pasukan, miss ko na mag-aral," echoserong sabi ni Eris. "Dami na sigurong umiiyak na mga babae kasi 'di nila ako nakikita."

"Gold ba 'yang tae mo?"

"Hindi lang gold, Sab. Palladium pa."

"Pall-"

"Oh! Oh! Oh! Hindi alam meaning ng palladium! Parang 'di nag-senior! Sinong teacher mo sa Science?! 72 ka do'n noh?!"

"Excuse me?! Alam ko ang palladium! 'Yon ang currently most expensive metals! Mas mahal pa sa gold at silver! Running for latin honors kaya 'to!"

Ay, akala 'yung platform na ginagamit ng mga speakers. Metal pala ang palladium. Ako talaga ang may 72 na grade sa Science noon.

Stressed man lately, ang laking tulong talaga sa akin ng lima para gumaan ang mood ko.

Si Sov ang naghatid sa akin pauwi. Nakatulog agad ako sa upuan nang hindi pa bihis. Kahit papaano, nang magising, nagkalakas ako para kumilos-kilos.

Bigat pa rin sa pakiramdam kapag iniisip ko ang kinahinatnan namin ni Yago. Isang linggo na, hindi na rin siya nag-text at nag-chat pa sa akin. Ayos na rin 'yon. Sa araw-araw na pagod na dinaranas ko, makakalimutan ko rin siya.

"Ang kulit talaga ni Renisa! Ayaw paawat! Gusto talaga tayo isama!"

Ang gloomy ng feeling kapag brokenhearted. Kung may pera lang ako, sa Italy ako magmo-move on. Kaso sa ilalim ng punong cacao pa lang ang afford ko ngayon.

"Sama na lang kaya tayo, Ma?" sabi ko, nag-iihaw ng isdang tilapia sa ilalim ng puno. "Dalawang araw lang naman e."

Gusto ko na lang sumama. Gusto ko para roon ako mag-move on. Kaya ko naman sigurong mag-move on sa loob ng dalawang araw. Kaartehan lang 'to, kaya ko 'to.

"Hay nako, gusto ko rin naman, kaso nakakahiya ngang sasama tayo ng walang dalang kahit ano."

"Tilapia na naman," pag-iinarte ni Celeng nang umuwi galing sa pakikipaglaro at nakita ang iniihaw ko. "Tapos kapag natinik, sasabihin, ipahimas lang daw ang lalamunan sa kamay ng pusa."

Shots Amidst The Wild Boos (Achievers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon