-4th, 𝐖𝐡𝐚𝐭 𝐚𝐛𝐨𝐮𝐭 𝐥𝐚𝐬𝐭 𝐧𝐢𝐠𝐡𝐭?

225 14 2
                                    



[Don't forget to leave a vote. Thanks!]

------

Haliya

Haliya has been pacing back and forth since her Tita Irene left. Hindi niya alam kung bakit masyado siyang kinakabahan sa maaaring isipin ng isa pa niyang Tita sa nasaksihan nito kanina lang. Wala naman silang ginagawang masama kanina noong nahuli sila, maliban na lang sa isang gabing bumigay sila sa init na bumabalot sa kanila at nagpadala sa tukso, ngunit wala pa namang nakakaalam ng pinagbabawal na halik na pinagsaluhan ng isang pamangkin at ng kaniyang Tita, kaya't sa susunod na niya ito aalahanin.

Sa kabilang banda naman, sa katapat na kwarto ni Haliya, ay nag-uusap ang kaniyang dalawang mamahal na Tita.

"I don't know, Irene. Kahit na sabihin nating aksidente ang nadatnan ko, may mali pa rin eh." Sambit ng nakakatanda sa kanilang dalawa.

Nakatayo ngayon ang Tita niya katabi ng dresser na nasa tabi ng pinto while holding a glass of wine, habang ang isa naman na kaniyang nahalikan ay naka-upo sa kama at nakahawak ngayon sa sintido niya.

"Is there something you're not telling me about?" Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa kapatid na ngayon ay nakatingin sa kaniya na nakakunot din ang noo mula sa paghihilot ng sintido niya.

Dumaan sa isipan niya ang nangyari kagabi ngunit agad niyang iwinaksi ito. Walang pwedeng makaalam nito, kahit na ang isang taong kaniyang pinagkakatiwalaan sa lahat. Lalo na ang isang taong ayaw niyang mag-iba ang tingin sa kaniya sa oras na malaman nito ang hindi katanggap-tanggap na tagpong kaniyang hinayaan. Ayaw niyang mandiri sa kaniya ang taong nasa harapan niya ngayon.

Naunang nag-iwas ng tingin ang nakababatang kapatid at nagpakawala ng buntong hininga.

"None, Ate. I already told you, that was all that happened, and it was an accident." pilit pa nitong pagkumbinsi sa kaharap niya.

"Siguraduhin mo lang, Irene." the older woman said as she took a sip of her wine... "May asawa ka."

"Is he still cheating?" tanong pa nito. Alam na alam niya ang pangbababae ng asawa ng kaniyang kapatid kaya't umpisa pa lang ay mainit na ang dugo niya rito. Pero walang ginagawa si Irene at hinahayaan lang ito.

"I don't want to talk about it." sagot naman ng kapatid at pabagsak na humiga sa malambot na kama. These past few weeks kahit papaano ay nakalimutan niya ang babaero niyang "asawa", siguro dahil na rin busy siya sa pagtulong sa mga young musicians na hindi kayang i-pursue ang potentials nila.

Napa-buntong hininga naman ang kaharap niya. Hawak ang wine sa kamay, pumunta siya sa kama at umupo sa gilid nito.

"Why don't you have kids? You're already 38. You're not getting any younger."

"I- I'm still not ready." the younger woman buried her face in the pillow.

"You need someone who will look after you. I don't trust your husband." Imee faced her sister. Napa-ikot nalang ng mata si Irene.

"I know. How's your son?" Irene diverted the topic, asking about Imee's 17-year-old son.

"He's with his father." sagot naman niya. Nagkaroon ng anak si Imee when she was 25 years old. Pero dahil na rin busy siya sa pagiging mayor at madalas na misunderstandings nilang mag-asawa, ay napagkasunduan nalang nila na maghiwalay.

Affairs and AffectionWhere stories live. Discover now