Chapter 21

82 5 1
                                    

"Oh kamusta ang lakad niyo?"

Napangiti ako nang bumungad sakin si Lola pagpasok ko dito sa bahay. Ramdam ko man ang pagod dahil sa naging lakad namin ni Matthew doon sa Bahay Tuluyan Foundation ay hindi parin maipagkakailang nangingibabaw parin saakin ang tuwa habang pinagmamasdan ang mga bata roon.

Pero syempre nakatanggap muna siya ng kurot sa tagiliran dahil sa pagiging bolero niya. Hindi ba siya kinikilabutan? Iniisip ko palang na magiging asawa ko siya jusko! Kung ako sakanya mas mabuting maghanap siya ng iba, yung mas triple yung worth kompara sakin.

"Medyo nakakapagod po La pero sulit" ngiti ko pa. Kanina kasi tinawagan ko si Lola at pinakita sakanya ang mga batang nakangiting tinatanggap ang mga regalong binigay ni Matthew sakanila. Ang nakakatuwa pa roon ay lahat ng mga bata na nandoon ay marunong makipaghalubilo na tila sabik sila sa atensyon.

"Kumain ka na? May ulam pa na natira, ipaghahain ba kita?" Mabilis akong napailing at napaupo sa sofa na kinauupuan ni Lola. Bigla ko siyang niyakap at tila dito na sa may dibdib niya ako namahinga.

"Hoy Steffanie, wala akong pera ngayon hindi tatalab sakin itong paglalambing mo" marahan akong napatawa kaya naman ay kunwaring padabog akong napaayos ng upo at humiwalay ng yakap.

"To naman si Lola, minsan na nga lang ako maglambing"

"Mas mabuting magpahinga kanalang, antok na antok na yang mata mo" napanguso ako habang nakatulalang pinagmamasdan ang kamay niyang experto na sa paggagansilyo.

"Stuff toy ba yan La?" tukoy ko pa sa paggagansilyo niya.

"Hindi, para sa ulo mo to" sandali akong natigilan bago ko napagtanto ang sinabi niya.

"Ay talaga? Bucket hat po pala to" mangha kong usal sabay agaw sa ginagawa niyang crochet para tignan ng maigi. Tinampal niya ang kamay ko at mabilis niya ring inagaw pabalik sakin ang kinuha ko.

"Masisira, kita mo? Bumalik" turo niya sa yarn na natangkas.

"Eh La, bakit pink? Masyadong girly, may strawberry pa"

"Wag kang mangialam"

"Sungit mo talaga" tinignan niya ako ng masama bago ako tuluyang napatayo nalamang.

"Punta na po ako sa kwarto La"

"Hmm sige, layas" napa straight face nalamang ako. Mana nga ako sakanya. Napatigil ako sa paglalakad at tinignan sa huling pagkakataon si Lola bago ako tuluyang umakyat sa hagdan. Napailing nalamang akong napangiti.

Pagsusungit niya ang pinakita niya sakin pero alam ko parin ang rason kung bakit kahit gabi na ay nandito parin siya sa sala.

***

"LOLAA! "

Tila nag ala-spider man akong bumaba sa hagdan na kahit may tatlong palapag pa akong lalakaran ay basta ko iyon nilagpasan at tinalunan.

"La!" sigaw ko pa.

"Ano ba! Kay aga-aga ang ingay mong bata ka" mas lalo akong napangiti at sumigla nang marinig ko ang boses niya mula sa kusina, kaya naman ay agad ko siyang pinuntahan doon.

"La tignan mo, nag text sakin si Matthew kanina lang" excited kong iniharap sakanya ang screen ng cellphone ko. Bahagya pa niyang inayos ang kanyang antepara at inilapit ang mukha niya lalo sa screen.

"Oh? Anong meron? "

" Luh! Binasa mo ba La?"

"Oh anong meron nga"

"Anong meron? Magtatrabaho lang naman ako sa sosyal na restaurant, hindi siya pang ordinaryong restuarant lang, kasi isa ito sa mga kilalang restaurant sa lugar natin, hindi mo ba naalala La? Nagkarun to ng exposure sa TV" Kinikilig ko pang usal.

The Tale Of Our Romance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon