Libby's POV
Eversince that incident in his office mas naging rude si Zeke sa kanya. Ni hindi sya nito tinatapunan ng tingin tuwing magsasalubong sila sa office. During meetings she makes sure to attend every single meeting of the operations team. She makes Zeke to feel her presence everytime. He's professional in front of everybody else but her. There are also tmes na nararamdaman nya na parang iniinsulto sya nito. He never fails to give her a snide remark every time na magtatangka syang kunin ang atensyon nito.
Nandito sya ngayon sa operations department at nakaupo sa isa sa mga deskng empleyado duon. Hindi napuknat ang mga mata nya habang nakatitig sa glass wall ng opisina ng binata. Alam nyang kanina pa sya pinagmamasdan ng mga empleyado dito pero wala syang pakialam. Pinagmamasdan nya ang kanina pa nakakunot ang nuo na si Zeke habang nakatitig sa computer nito.
Maya maya pa ay nakita nyang dinampot nito ang celphone sa gilid ng lamesa. Nakita nya kung paano bumakas ang tuwa sa mukha nito habang patango tango tila natutuwa sa sinasabi ng kausap.
Naputol ang mataman nyang pag titig dito ng tumunog ang kanyang telepono. Nakita nyang si Robby ang tumatawag sa kanya.
Ilang araw din itong hindi nag report sa kanya dahil pinapamanmanan nya dito ang galaw ng bagong kakumpetensya nila sa blackmarket. Naging maugong kasi na sinusulot nito ang lahat ng malalaking kliyente nila kaya talaga namang umiinit ang ulo nya. Kailangang bunutin na agad niya ang ugat ng mga ito para hindi na lumago at maapektuhan pa ang kanilang negosyo.
"Speak". Tumayo na sya upang lumabas ng lugar na iyon para maging ribado ang pag usap nila ni Robby. Saka na nya babalikan si Zeke .
" The enemies are known to be from the previous Lucius' gang. Yung dating hawak ni Don Mateo ang karibal ng daddy mo." Panimula ni Robby.
Pumasok sya sa elevator para bumaba sa parking lot kung saan naroon ang sasakyan nya.
" Ayon sa mga kaalyado natin, may bago daw na namumuno ngayon sa grupo at masyado daw itong marahas. Isa isa na nitong pinapabagsak ang ilan sa maliliit nating kakompetensya at mukhang susunod na tayo" Patuloy nito.
She smirked. Hindi sya natatakot sa grupong iyon. Dati na nya itong napabagsak. At magagawa nya ulit yun.
"Bad News is mukhang nagsisimula na sila. Kakareport lang sakin ni Gab na isa sa mga transaksyon natin ang hinarang nila at tinangay nila ang mga kargamento natin"
Agad na nabura ang ngisi sa kanyang labi. Nag apoy sya sa galit. Ayaw nya sa lahat yung ninanakawan sya. Mukhang sinamantala ng mga kalaban na abala sya sa ibang bagay para umatake.
"Meet me at my office. Ipatawag mo rin sila Gabriel. I want a full report of what happened"
Agad nyang pinatay ang tawag. Skatong nakarating sa basement ang elevator.
Mabilis syang lumabas at tinawagan ang driver nya para maihanda ang sasakyan. Mukhang ilang araw na mapapahinga si Zeke sa presensya nya. Kailangan nya munang tutukan ang negosyo nila.
Libby's POV
Napahilot sa sentido si Libby habang matapos marinig ang ibinalita ng mga tauhan nya. Isa na nmang kargamento nila ang nanankaw ng kalaban nila na lucius gang. Ilang linggo din nyang tinutukan ang galaw ng kalaban pero parang lagi nalang nito nalalaman ang bawat galaw nya.
Malakas na ibinagsak nya sa lamesa ang dalawang palad at tumayo. Bakas naman sa mukha ng dalawa nyang tauhan ang takot.
"Tell me what exactly happened?" May diing utos nya sa mga ito.
Nagkatinginan nman ang dalawa bago sumagot ang isa sa mga ito. Nakayuko ang ulo at hidni makatingin sa nag aalab nyang mga mata.
"Kasi po Ma'am Libby hindi namin alam na yung kalaban pala yung lugar na pinagusapan namin nila Mr. Choi. Wala na po dun yung tsino nung dumating kami at yung mga tauhan ng Lucius gang ang nag-" agad naputol ang pagsasalita nito ng tumama ang puluhan ng baril sa ulo nito dahil sa gawa niya.
Nangigigil naman syang humarap sa isa pang kasama nito at itinutok sa noo nito ang baril.
"paano nalaman ng gang na iyon ang transaksyon natin kina Mr. Choi?!" Sigaw nya sa mga ito.
"Hindi po namin alam Ma'am Libby-" Natigilan nman ito matapos nyang magpaputok ng baril sa kisame.
Kung hindi lang pinagsabihan na sya ni Robby na mauubos ang mga beterano nilang tauhan ay baka sumabog na in ang bungo ng isang toh. Napapadalas kasi ang bulilyaso ng mga transaksyon nya ngayon kaya nman hindi nya mapigilang uminit ang ulo at mapatay ang mga ito.
"Hindi ko matatanggap yang mga ganyang paliwanag nyo! Ayusin nyo ang trabaho nyo and ind out who's behind all this kundi uubusin ko kayo!" Sigaw nya sa mga ito.
Mukhang napako naman sa kinatatayuan ang mga takot na takot na tauhan nya at di na nakaalis. Uminit na nman ang ulo nya.
"Get out Now!!"
Gigil na gigil na pinagbabaril nya ang dummy nya dito sa loob ng opisina. Durog na durog na ito bago nya tigilan. naubos na nman nya ang limang magazine na bala dahil wala syang mapagbalingan ng galit nya.
Narinig naman nya ang pag pasok ni Robby sa opisina nya. Hindi nito pinansin kung saan nakatuon ang tingin nya bago ito nagsalita.
" Ayon sa Intel natin, isa sa anak ni Don Mateo ang humahawak ngayon ng Gang nila. Matagal daw itong nanirahan sa pilipinas kaya walang masyadong impormasyon dito sa kanya sa Amerika." Saad ni Robby.
" I want to find out who that mother fucker is. And I'll make sure na pagbabayaran nya ang gianagawa nya ngayon" Pangako nya.
Malaman nya lang talaga kung sino ang tarantadong bumabangga sa kanya. nasisisguro nyang matutulad ito sa dummy nya na hindi na mapapakinabangan dahil pinaulanan nya ng bala.