3. Confusion

31 0 0
                                    

Chapter III. Confusion

Nagsosoundtrip ako around 6pm. Hindi pa nagtetext si master if nakauwi na sya from school. Natuwa ako nung inaccept nya and friend request ko sa facebook kanina lang umaga. Naghanap ako ng picture nya sa albums nya since anime character and picture nya. May mga nakita naman ako, kaso nakatakip ang itsura nya ng panyo na parang gangster. Natawa nalang ako.

Aaminin ko, nageexpect ako ng iba sa kanya. Since parang sophisticated minded sya, inisip ko na...

Siguro may itsura to. Sana pogi? Hahaha!

Kaso di ko masyado nakita ang buong face nya eh. At malayo sa "dream face" na gusto ko sa isang lalaki. Hindi ko nalang pinansin ito, no big deal for me. Nagpost ako sa wall nya after niyang inaccept yung friend request.

"TFTA~!"

"TFTA? Anu yun?"

"Thanks For The Accept! hihi. :)"

"Ahhh...Wala yun. ^^"

So eto ako, nagaabang sa text nya after ko lang umuwi sa school. Biglang nag-beep yung phone ko.

Ah! Baka si master na yan!

Dali kong binasa ang text. Pero hindi pala ito galing sa inaasahan kong tao, kay Nami pala galing.

"Misaki, umamin na ako kay Shinra kagabi na gusto ko sya."

Napatigil ako bigla sa text nya. Nakaramdam ako ng takot at iba iba pang hindi ko maipaliwanag. It took some time bago ako magreply sa kanya.

"O talaga? Ano sabi nya?"

"Hindi nya sineryoso yung sinabi ko. Kahit sabi kong totoo yun."

"Ganun...may pagka-ewan din talaga yung lalaki na yun."

"At tsaka, narinig kong may girlfriend na pala sya. Itigil na natin to. It's pointless. Pinapaasa nya lang tayo."

It was heartbreaking. Di ko alam kung bakit ganito yung impact sa akin ng mga pangyayari. Pero di ba dapat no big deal lang 'to? Bakit disappointed ako? Litong lito ako sa mga nararamdaman ko. After nun, napakalungkot ng mga GM ko nung gabing iyon. Tinetext ako ni Shinra, pero di ko ito pinapansin.

"Misaki, bakit nagkakaganyan ka? Bakit hindi ka nagrereply?"

"Please lang, wag mo ko kausapin..."

"Please lang din naman, sabihin mo sa 'kin kung bakit ganyan ka, misaki?"

"Si misaki lang naman ang gusto mo, di ba? Hindi ako..."

"Ano..?"

"Alam mo, nung una kitang makilala, iritang irita ako sa'yo. Pero di ko inaasahan na mahuhulog ang loob ko sa'yo eh."

"What do you mean...?"

"Don't you get it?? I like you! Not being Misaki, your maid, nor by just mere acting...but by being myself. That's my true feelings."

Hindi ko alam kung bakit nasabi ko sa kanya yun. Kusa nalang nagtype ang mga kamay ko. Siguro dahil emotional ako nung time na yun. Then nag-reply sya..

"Oh no...that's a big problem. You shouldn't like me...or love me. I don't deserved to be loved by anyone, masasayang lang yan. At tsaka napakalaking failure ko sa buhay at ayokong mainvolve ka pa."

"I...don't care."

"Suit yourself."

It sucks. Tama si Nami, hindi nya talaga sineseryoso ang ganitong bagay. He's a total freak. And I fell for him. Ano ba meron sa kanya at nagkakaganito ako, parang baliw?

Crush lang ba talaga to? O mas malalim pa dun?

Sa ngayon di ko pa masasabi. Pero he just makes my day. Ang weirdong lalaking yun.

Rendel Diaz.

---- X ---- X ---- X ---- [ END OF CHAPTER III ] ---- X ---- X ---- X ----

(Author's Note: Mapatagal na po ang pag-uupdate ko sa next chapters ko. Since busy na po ako cuz of my summer job, weekends lang ako makakapagtype. I hope it's ok with ya. Thanks a bunch! <3)

Saved MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon