5. Unexpected

23 0 0
                                    

Chapter V: Unexpected

Eto mahirap pag walang pasok. Walang pera! Hahaha!

Ang boring pala pag nakasalang ka lang sa bahay. Okay lang sa akin kahit ganun, pero iniisip ko si Rendel. Paano na yan at hindi na kami masyadong magkakausap? Wala na akong ipangloload? Nahihiya na rin ako sa kanya tuwing nababanggit ko na paexpire na ang unlitext ko, kasi pinapaloadan ako bigla nun. Ayoko naman sya mag-abala pa kaya gumawa ako ng alibi para hindi sya magisip ng iba sa absence ko.

"Master, I think that I won't be texting you the whole sembreak."

"Huh? Why is that?"

"You see, my dad's going to confiscate my phone since he always see me using it all day. I'm sorry. :("

"Aww. But I'm going to miss you."

"Sorry talaga. Try to bear with it muna, master. I will miss you, too."

It wouldn't be that hard for him, would it? Hindi naman ako siguro yung main importance nya sa real life. Minsan ibang klase din ako magisip, masyadong praktikal. Since naging 'kami' thru text lang, madali naman siguro syang makapaghanap ng alternative na paglilibangan. It's not like I'm his center of his world.

He could wait as easy as that. Not a big deal naman yun.

But I was wrong.

One time, nag-online ako sa fb. Siguro mga apat na araw ang lumipas since hindi kami nakakapagtext. Nakuha ang atensyon ko sa mga nakita kong posts galing kay Rendel.

Naghihirap sya. Hindi sya mapakali. Naging depressed sya ng sobra at may case pang hirap syang matulog since nawala ako. Araw-araw pa syang nag-memessage sa akin at sinasabing miss na nya ako.

Ikinagulat ko ito. I wasn't expecting na ganun ang magiging behavior nya. Seryoso ba talaga sya? Ganun yung pagkamiss nya sa akin? Totoo ba talaga ang mga iyon? Akala ko pa naman ako lang tong baliw sa kanya at nakisakay naman sya sa akin. Pero napaisip ako sa mga nakita ko.

Buti at pinaloadan ako ni papa. Nag-unli ako at agad ko syang tinext.

"Master, nakuha ko na ang phone ko! Musta ka na?"

Nagreply din sya agad.

"Misaki!! Sobrang namiss kita!"

"T-talaga? Pasensya na talaga, master."

"Okay lang. Ang mahalaga kausap na ulit kita..."

Hindi ko maexplain kung ano ang iisipin ko. Kung matutuwa ba ako dahil pinapahalagahan nya talaga ako, o sadyang sinabi nya lang ang mga yun na parang may concern sya?

Ngunit bakit ako nag-dodoubt? Siguro iniisip ko parin na nakikisakay lang talaga sya sa relationship na sinimulan ko.

---- X ---- X ---- X ---- X ----

December 2011

Yun oh! Malapit na mag-Christmas! Excited na ako!

Isa kasi ito sa mga inaabangan kong holiday every year. Dun lang kasi complete ang attendance ng pamilya namin. Tuwing Christmas lang umuuwi si mama.

Minsan napapaisip ako kung ibang way ko naman icecelebrate ang pasko. Yung makasama ko ang taong minamahal ko, tulad ni Rendel. One time nakausap ko si kuya Rei at nangamusta sya.

"Hi misaki! Uy, kamusta na kayo ni Shinra?"

"Ayos lang. As usual, masaya parin."

"Ah ganun ba? Nagkita na ba kayo sa personal?"

"Umm...hindi pa eh. Mahirap kasi, malayo kami sa isa't isa."

Now that he mentioned that, gusto ko nga sya makita ng personal.

"Aba, hindi problema yan! Siya ang lalaki, responsibilidad nya ang pumunta dyan sa inyo!"

"Haha...kung sa bagay."

"Dapat gumawa sya ng paraan para magkita kayo. Kung ako talaga ang nasa pwesto nya, naku! Matagal na tayong laging nagdadate! Haha!"

"Kaw talaga, kuya Rei!"

Pero naisip ko na may point sya. Kung seryoso sya sa akin, gagawa sya ng effort para gawin yun.

So nung may time some other day, na-open up ko yung topic na yun kay Rendel.

"Hey master, what if...magkita tayo before Christmas? Para naman may bonding tayo kahit papano. :)"

"Ha? Eh...mukhang mahirap eh. Hindi ko kasi alam ang lugar dyan. Alam mo namang hindi ako mahilig gumala, di ba?"

"Oo nga. Pero..."

"Pero?"

"May nagsabi kasi sakin dati na role ng isang lalaki na bisitahin ang girlfriend nya, right?"

"Aw. Oo, tama. Sorry ah. Sige, susubukan ko."

Nalungkot ako sa pagaalangan nya. Parang feeling ko hindi sya naglalagay ng effort. Pero napagkasunduan naming magkita sa baclaran. Since hindi nya alam ang papunta sa amin, nagisip kami ng lugar na magiging midpoint sa pagitan naming dalawa.

Kaso hindi ko inexpect na mapapaaga ang uwi ni mama before ng meet-up. Ang hirap pa naman makalusot sa kanya pag-aalis ako. Pinilit kong kausapin sya at gumawa ng mga alibi. Of course hindi ko pwede sabihin ang totoong motive ko. Bawal pa kasi ako magkaroon ng boyfriend. Nililihim ko sa pamilya ko si Rendel since nakilala ko sya.

Ganun nalang ang pagkadisappoint ko nung hindi ako pinayagan ni mama na umalis. Kinulong ko ang sarili ko sa kwarto at umiyak. Tumawag pa nga si Rendel at kinausap nya ako. Ayoko sa lahat yung may nakakakita ng kahinaan ko pero di ko napigilan ang pag-iyak ko ng sobra. Ang pakiramdam ko kasi may nawalang chance na napaka-importante para sa akin. Hindi pa naman yun ang last time, ika nya.

Gusto ko na talaga sya makita at makapiling...ang lalaking di ko akalain minahal ko ng ganito.

---- X ---- X ---- [END OF CHAPTER V] ---- X ---- X ----

(Author's Note: Thanks for reading! Please vote for this if you like this chapter. Thank youuuuu! <3)

Saved MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon