6. A Different Birthday Experience

35 1 0
                                    

Chapter VI: A Different Birthday Experience

January 2012

7pm.

5 hours nalang at birthday ko na. Hindi naman ako kaexcited sa 17th birthday ko, kasi alam ko na i-cecelebrate yun like the usual. Expect mo na may kainan sa bahay, salo-salo...yung mga ganun? Pero syempre masaya parin ako kasi nandito si mama sa kaarawan ko at kumpleto kami.

Nasa tricycle terminal ako pauwi. Nagtetext kami ni Rendel.

"Ui. Ingat po paguwi, ha? <3"

"Salamat! <3"

"Ay, by the way...birthday mo na nga pala bukas, no? Ayos!"

"Oo nga eh. Busy siguro si mama bukas sa paghahanda."

"What if magkita tayo bukas, san-san? :)"

"Ha? Bukas? Ehh...may pasok pa tayo, di ba?"

"Pang-umaga naman ang shift natin eh. So after school tayo umalis. Dun parin ha? Same place?"

"Umm...sige. Gagawan ko ng paraan."

Eto na ba yun? Ang pinakainaabangan kong pangyayari? Bigla ako naexcite. Sa sobrang excitement hindi ata ako nakatulog ng gabing iyon...

I'll finally meet him at last.

---- X ---- X ---- X ---- X ----

12:00 NN

Uwian na. Kaso may NSTP I pa pala kami mamayang 1pm. Eh 3 hours pa naman yun. If hahabol ako sa Baclaran, baka late na ako makauwi neto. Bawal pa naman ako ma-late ng paguwi, strict si mama eh. I have to think quickly.

Nakaupo ako sa corridor sa labas lang ng room naming ng nagtext si Rendel.

"Uy, tuloy tayo ah? Tapos na klase namin eh. On the way na ako. Ikaw? Musta status mo dyan?"

"Umm..ayos lang. Try ko pumunta ng maaga dyan.."

"Ha? Bkit?"

"Ay w-wala...Sige, on the way na rin ako! ^^"

"Hmm...O sige. Ingat, san!"

Nako! Bakit hindi ko nalang sinabi na may klase pa ako mamaya?? Ano nang gagawin ko!?

Habang malalim ang isip ko sa paghahanap ng solusyon, nagulat ako ng biglang tinapik ang balikat ko. Sila Chris at Alex pala, mga classmate kong magsyota.

"Ui! Happy birthday, san!" Sabi ni Alex na parang nagbrobrodcast.

"Ay, kabayo! Nagulat naman ako sa inyo!"

"Mukhang ang layo ng utak mo sa earth ah. Anong meron?"

"Umm...may problema kasi ako eh."

"Ano ba yun?"

"Ganito kasi yun, plano kasi naming magmeet up ng boyfriend ko sa pasay. Kaso may NSTP daw tayo mamaya, di ba? Tsaka nakalimutan ko nang pumunta dun eh."

Alam ng mga classmate ko na may bf ako at LDR kami. Pero bilang lang ang nakakaalam nito.

"Talaga? Hmm...baka pwede ka naming samahan?" ika ni Chris.

"Oo nga!" dagdag ni Alex, "Balak kasi namin ni Chris na di pumasok ng NSTP at magdate nalang sa MOA. Sakto ah!"

Ang swerte ko naman talaga!

"Oh!? Nice! Buti nalang nakausap ko kayo!"

"Ano? Ok lang ba sayo if hindi ka makakapasok sa NSTP?"

"Once lang naman to. Oh sige."

So ayun. Kasama silang dalawa, pumunta na kaming pasay. Pagsakay naming sa bus, dun ako umupo sa pinakadulo. Yung nakaangat yung mga upuan? Tapos sila Alex at Chris naman nasa harapan ko lang, bandang kanan. Medyo nainggit ako sa kanila kasi ang sweet nila sa byahe. Tumingin nalang ako sa labas para malipat ang atensyon ko.

"Misaki!! Asan ka na!?"

Biglang nagtext pala si Rendel sa akin.

"Oh! Um, nasa coastal road na kami. Malapit na kaming Baclaran tapos isang sakay nalang yun."

"Ganon ba? Ano...uwi na ako ha?"

"Ha?! Ano?"

"Ahaha! Joke lang. Medyo kabado eh."

Same pala kami ng nararamdaman.

"Wag kang kabahan! Dapat ako nga yung kabahan dito eh!"

"Wala eh. :P"

"Relax ka lang. Di naman ako nangangain ng tao eh. Haha!"

"Ok. Susubukan ko."

Naghalo-halo na ang emotions ko pagbaba namin ng Baclaran church. Pagsakay namin ng multi-cab patungong MOA, naging makulit ang utak ko sa pagiisip ng pwedeng maging outcomes ng araw na ito.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

Bahala na!

---- X ---- X ---- [END OF CHAPTER VI] ---- X ---- X ----

(Author's Note: Thanks for reading! Don't forget to vote for this story! Thank youuuuu! <3)

Saved MessagesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon