Kabanata 1

8 1 0
                                    


Kabanata 1: Mary Jane


"Mj! Drawlab 7 studio session tayo kay Miss Santiago" Tapik sakin ng isa kong ka block mate na nagmamadali sa paglalakad.


Agad ko din naman syang sinundan, pagkapasok sa draw lab ay halos lahat sila ay nagsisimula na. Kaagad kong inayos ang working materials ko when one of my orgmates asked me.


"Mj, collab daw with journalists later for school promotion sabi ni president" my org mate said.

"What time?" 

"3 pm, gym" I just nodded as a response.


I plugged my earbuds in and played a random song then starts my work. Time passed at halos lahat ay nagmamadali na, kanya-kanyang diskarte para makaabot sa submission. 


"Class, ibibigay ko na ang prelim plate nyo" saad ni miss Santiago.


Napuno nang boses ang loob ng classroom, madaming umaangal, madaming humihingi na kaagad ng adjustment ng submission.


"Class settle down, so ang magiging prelim plate nyo is a still life painting. You would be given 3 weeks for your project. Any medium would do, and since  3rd year student na kayo, mostly ng works ng klase na ito ay mapapasama sa gaganaping exhibit ng department natin"


Natahimik ng kaunti ang klase at maya-maya pa ay samu't-saring opinyon na ang nangingibabaw sa loob ng classroom.


"Ayan na naman si Miss, kung ano na lang ma tripan ipagawa" Rinig kong saad ng nasa likod ko.


Nang matapos ang klase ay kaagad akong nagligpit para umalis.


Tinapik ako ng kaklase ko sa likod at sumenyas, nilapit nya ang kanyang 2 daliri sa labi nya. Agad ko naman yun naintindihan at sumunod. Tatlo kaming nasa likod ng building, agad nya akong inabutan ng yosi. Tinanggap ko naman agad ito at sinindihan.


 "Dami paggawa ni Miss" angal ng isa kong kaklase

"Sinabi mo pa, tapos hanap pa lagi sa org. Daming need i-cover" sabi naman ng isa

"Mj, ikaw ba daw mag lead ng cover na 'to?

"I don't know, sinabihan lang ako na collab with other journalists for school promotion" I said.


Nag-usap pa sila habang nakikinig ako. Hanggang mag-ring ang phone ni Gian.


"Yzel, hinahanap na daw tayo sa office need mag prep for later."saad ni Gian habang nakatingin sa phone nya.

"Mj, una na kami. See you mamaya sa gym" sabi ni Yzel.

Tumango lang ako sakanila "tapusin ko lang 'to" saad ko  at umalis na sila. Tiningnan ko ang nauupos na sigarilyo at nilagay sa labi ko. 


Nagulat ako ng may biglang tumikhim sa katabi kong mga box. Since nandito building ng mga architecture and fine arts student ay halos madaming box ng mga old plates , scale model, costume at decorations ang nilalagay sa likod ng building.

"Who's there" 

Kaagad kong tinapakan ang sigarilyong hawak ko. Madaming nag y-yosi sa likod ng building na ito, matagal na ding pinagbawalan na tumambay dito, wala palang  nga nahuhuli. Narinig kong bumukas ang pinto sa kabilang side kung nasaan ang mga kahon.


Nilapitan ko agad ito para tingnan, There I saw a girl. Nakatalikod sya sakin.


She has a long black hair, with pink head band.


She smells like a vanilla coconut.


Narinig ko ang mga hikbi nya, napatigil naman ako sa paglapit. May multo ba dito? 


"Are you okay?" I asked.


Tanga.

Bakit ba ako nangingielam sa problema ng iba. Paalis na sana ako ng makita kong lumingon ito saakin. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha kasi naka-yuko ito.


"Thank you" She whispered enough for me to hear.

Bago pa ako makapag-salita ay tumakbo na ito papasok ng building.


Pinagsawalang bahala ko na lang ito at naghanda na para sa shoot for school promotion. Kinuha ko ang camera ko sa club room at dumiretsyo na sa gym. Halos lahat ng journalist and photographers ay nandoon na. Inaantay na lang ang mga kasamang students kasi inoorient pa sila.


Tumulong ako sa pag-arrange ng set-up. I was holding the lights when suddenly I smelled something familiar.


Vanilla coconut.


Napalingon ako sa likod ko para tingnan kung sino ito, pero sa dami ng pumasok ay hindi ko malaman kung sino.

"Pre, ok ka lang?" Yzel asked.

"Yeah" I said at nagpatuloy sa pag-aayos.

Nagsimula na ang shoot, pero hindi pa 'din mawala sa isip ko yung babae kanina. Hindi ko rin matukoy kung sino sa kanila kasi masyadong madaming tao.

Natapos namin kaagad ang shoot at napag desisyunan ng mga advisers and admin na ituloy kinabukasan ang shoot for flag ceremony.

Halos lahat ay nagliligpit na ng kani-kanilang gamit. Lumapit ako sa table kung nasan ang gamit ko, nag aayos ako ng gamit ng naramdaman kong may nag crack nung hinila ko ang bag ko.


A pink headband and a pouch.


Well it's a broken pink headband now.


hinawakan ko ito at tinry pag dikitin, kamalas-malasan pa nakasira pa nga ng gamit ng iba. Ilalapag ko na sana yung headband sa table  nang may nagsalita.

"I saw you!" she said.

"Sinira mo head band ko" Naiinis nyang saad.


fck now I'm on trouble. Lilingunin ko na sana sya pero I smelled something very familiar. It is the same perfume. Vanilla coconut.


It's her.



--

Her

Vanilla_sama

HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon