Kabanata 4: Colored
"Mj, hanap ka daw sa faculty"
Pagbukas ko ng pinto ng faculty ay si George lang nakita ko sa loob. Tutok itong nakatingin sa kanyang computer.
Hindi nya ako napansin, malakas kong sinara ang pintuan. Napatalon ito sa kinauupuan at tumingin kung saan nanggaling ang tunog.
Kaagad kumunot ang kilay nito
"Asan si Miss Sanchez?" I asked.
"Lumabas, mag-intay ka muna daw dyan" Masungit nyang sagot at nagtuloy na sa ginagawa.
Umupo lang ako sa sofa at nag scroll sa phone. Halos ilang minutong tahimik sa loob ng office tanging tunog lang ng keyboard ni George ang naririnig. Maya-maya pa ay dumating na din si Miss Sanchez.
"Mj! Dumating ka na pala, hija baka naman pwede kang kunin sa parating na department event natin" pasimula ng guro.
Natapos ang pag-uusap namin ni Miss Sanchez. "Hija, Kung may-kailangan ka lumapit ka sakin or magpatulong ka na lang sa officers ng Engineering department kasi sila ang mag h host ng welcome event natin ngayon." She said.
"Ito si George, vppd sya ng org nila. George hija paki-assist naman si Mj sa preparation" saad ni Miss Sanchez na nakalingon kay George.
"Sige po Mam ako po ang bahala" she said
"Kunin ko na lang number mo para ma-update kita sa mga plano" She added without looking at me.
Binigay ko ang number ko sakanya. Natapos ang araw ng wala parin akong progress sa plate ko. Nakita kong nag notif ang phone ko at unregistered yun.
Hi, si George 'to pacheck na lang nung sinend kong link.
Gc yan ng committees ng event.
Thanks.
She's back to her usual self again.
Managing an event can be quite exhausting, especially when there are a lot of academic and personal duties. Hinilot ko ang sintido ko habang nakatingin sa groupchat kung san sila nagpapalitan ng suggestions and task.
I need some air.
Naghanda ako sa paglabas, sumakay ako sa motor ko at pumunta sa malapit na 7/11. Lumapit ako sa cashier para magbayad ng mapatigil ako.
It's her, again.
"So hindi ka lang pala student assistant, vppd ng org nyo, cashier din sa 7/11?" Hindi ko na napigilang sabihin habang nakatingin sakanya.
Nagtama ang mata namin, nakatingin lang sya sakin at pinunch na yung pinamili ko.
"It's none of your business" She said.
I just shrugged. For a moment, I didn't want to go home, so I sat on the benches facing her. Out of nowhere, I started sketching on my iPad. This was not part of the plan. Bibili lang sana ako ng snacks at sa ibang lugar tatambay.
BINABASA MO ANG
Her
RomanceThe introverted artist Mary Jane begins her career as a fine art student. When she believes her life is going well in every way. Unexpectedly, she got caught up in a scandal. Her peaceful student life vanished in an instant. While everything in her...