REN'S POV
Wala na nga akong nagawa pa nag tagumpay siya sa kanyang gusto ang mapapayag ako . no choice na rin naman ako kahit ayaw ko ay wala na kong lusot saka 5 yrs lang naman yun gaano ba katagal yun diba ? . I can go out parin naman without her comcern need ko lang naman mag front sa harap ng Family nya yun lang naman ang usapan namin nothing else .
Lulan nga kami sa byahe papunta sa Mansyon ng Kanyang Lola hindi man lang ako pinag bihis ng mokong na to , gusto ata niya akong maging katawatawa sa harap ng Lola niya . Kaya naman kinuha ko ang compact foundation ko sa bag at binuksan ko ito . Nag ayos ako ng konti at nag lipstick na rin para naman maging pressntable naman akong tingnan pag dating namin dun .
" You look beautiful na no need for that ayaw ni lola na maraming kolorete sa mukha "
Anas ni Rain , kaya naman natigilan ako at tinago ko na lang yung hawak kong lipstick at foundation .
" Baka sabihin ng Lola ko ay kung saan lang kita na pulot , "
Dagdag pa nito na muling nakapag pa inis sakin . wala na ba syang magandang sasabihin ? Pag dating namin ay bumungad kagad sa harap namin ang malaking gate ng mansyon nila . Sa itchura pa lang nito ay iisipin mo talaga na hindi basta basta ang pamilya no Rain kaya hindi na rin nakakapag taka na maraming ilag sa kanila lalo na pag dating sa Negosyo . Pag baba namin ng sasakyan ay may sumalubong samin na isang Buttler .
Ganito ba talaga ? lumake rin naman ako sa karamgyaan pero hindi ganito simula kasi ng mag kasakit si Daddy ay napabayaan na niya ang kompanya na tinayo niya . Kaya ang kinuha kong Kurso ay ang makakatulong sana sa Kompanyang itinayo ng aking Ama . Ngunit sinubok kami simula ng Mag ka sakit si Daddy ay unti unti ng nawala ito ayaw man namin ay wala kaming nagawa dahil mas mahalaga ang buhay niya kesa sa lahat ng materyal na bagay hindi ko kakayanin pag ang Daddy ko ang Mawawala .
Nang makapasok na kami ay dinala kami ng Buttler sa Dining Room kung saan Nag hihintay ang Lola ni Rain , Unang tingin mo pa lang ay mukhang mataray ito napaka seryoso kasi ng mukha nito ng Makita niya si Rain na .
" Kamusta ang maganda kong Lola Trinidad ? "
Bati ni Rain dito
" I'm fine Rain asan na ang Asawa mo ? "
Sagot naman nito
" She's with me Lola , Ren this is Donya Trinidad Rivera , Lola si Ren Garcia po My Wife "
Pakilala naman ni Rain , Agad naman akong Nag mano dito at iniabot naman nito ang kanyang Kamay .
" Sige na maupo na kayong Dalawa ng makakaen na tayo habang nag uusap "
Anas naman nito , pinag hila naman ako ng upuan ni Rain saka tumabi sakin .
" So ikaw pala ang pinakasalan ng Apo kong si Rain , "
Anas nitong muli
" Opo "
Magalang kong sagot
" I know kasal na kayo ni Rain , pero gusto ko na Mag karoon kayo ng Formal Weeding Cermony ako ang bahala sa lahat gastos wala kayong iintindihin "
Deretsong sagot naman ng Lola nito kaya naman ay parehas kami ni Rain na na tigilan sa Pag kaen . Wala sa usapan namin ito ni Rain pag nangyari yun ay malalaman ng lahat ang tungkol samin , at hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa Mommy at Daddy ko .
" Pero Lola hindi na po yun kaylangan nag usap na po kami ni Ren hindi ba Ren "
Protesta ni Rain , na gulat naman ako ng hampasin ngmi Donya Trinidad ang lamesa at bigla rin na tigilan si Rain sa nais pa sana niyang sabihin .