Prologue

97 5 3
                                    

DISCLAIMER : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


───────────────────────────────


"Okay ka lang ba?"


Umiikot na 'yung paningin ko dahil sa ilaw ng La Toca, napaka liwanag naman kasi at tsaka nakakahilo 'yung colors! Sure akong hindi ako lasing dahil kaunti lang ang nainom ko kanina sa The Barn. Nahihilo lang talaga ako!


"Keri lang," sagot ko kay Sid. "Tapos ka na agad kumain?! Bilis mo naman!"


Natawa siya sa akin at nagkibit-balikat. Tinuro naman niya si Roni na nakatulala lang at tumutulo pa rin ang mga luha. "'Yan kaya, okay pa?"


I sighed. "'Lam mo namang hindi."


Sumimangot si Sid. "Grabe naman 'to sa sarili niya, eh. Pero sige, ang sama lang talaga nung prof! Bakit pa kasi niya binigyan ng tres 'to eh 3.5 nga nababaliw na 'to?!"


"Academic validation queen nga natin 'yan," I pouted. "I just wish na hindi siya ganyan ka harsh sa sarili niya."


"Ginawa niya naman lahat," Sid sighed. "Mababa lang talaga mag grade 'yung nakuha niyang prof."


Nakapikit na si Roni kaya feeling namin ay hindi na niya kami naririnig.


"Wait, may tumatawag," I told Sid.


"Sino?"


"Jowa ko." Seryoso kong sabi kahit na hindi naman totoo para lang pag tripan siya.


"May jowa ka na ba ulit?!" He exclaimed. Si OA naman 'to! "Naka move on ka na?!"


"OA! Wala!" Tinuktukan ko siya. "Uto uto!"



Tumawa siya. "Basta guard your heart."


"Yes na nga!" I rolled my eyes at him. Lagi nila akong napapagalitan ni Roni, especially noong high school kami dahil masyado raw akong mapagmahal tapos ang ending, maling tao naman yung minamahal ko! Kaya simula college, careful na talaga ako. Eh kaso may isang situationship.. edi ouch!


Tinawanan lang ulit ako ni Sid at sumandal siya sa upuan niya bago niya nilingon si Roni na humahagulgol na ngayon. Gising na pala ulit siya!


Kanina pa siyang maraming nainom sa The Barn, lumipat lang talaga kami sa tapat dahil nag aya si Sid na kumain dahil nagugutom na raw siya.


Sumunod din sa amin 'yong iba naming mga kaklase na may kasamang ilang friends nila pero may sarili naman silang mundo kagaya namin nila Sid at Roni kaya keri lang.


"Hey! You're here naaaa!" Nagulat ako sa sobrang taas na bigla ng boses ng kaklase naming si Zen, lasing na siya. "Rapha!"


Natigilan ako.


Is it possible na...


Dahan-dahan akong tumunghay, umaasa na baka siya 'to.


I sighed in disappointment noong nakita ko na hindi ko kilala ang pinaupo ni Zen sa may tapat ko.


He smiled at me. I smiled at him, too.


I wonder if mukha akong disappointed sa POV ng lalaking 'to.


The Very First NightWhere stories live. Discover now