"Heart emoji! Naku, mamaya heart na rin niya ako! I'm telling you guys!"
"Ayan na siya," Roni laughed. "Eh halata namang bet niyo ang isa't isa, 'wag na kayo mag pabebe!"
"Wow, coming from you pa, ha," pang aasar ko. "At tsaka ayaw ko mag assume 'no! Alam niyo namang pala-assume ako kaya lagi akong nasasaktan!"
"Congratulations," Sid said. "Marunong ka na nag acknowledge ng ganyan."
I rolled my eyes at him. "Sabi niyo guard my heart eh, edi guarding! Siguro 'di ko muna siya jowain kahit na mutual ang feelings? Hui?! Ang advance mag isip?!"
"Hindi ka na marupok," nag pahid si Roni ng fake tears niya. "I'm like, so, so, so proud."
"Grabe naman!" Ngumuso ako. "Ganoon ba talaga ako ka-tanga sa love before?"
"Medyo," Sid answered. "Pero ikaw lang talaga 'yon, mabilis ka mag-mahal, eh. 'Yun yung totoong ikaw."
"Ay, true 'yan," Roni agreed. "Andi core kumbaga. Pero madali ka rin kasi mahalin teh."
Nag kwentuhan lang kami at kumain bago kami naglakad pauwi ng condo, tatambay muna sila sa condo dahil nag decide kami manood ng movie para naman makatakas kami sa mga requirements kahit kaunting time lang.
Ang tagal din naming hindi muna nagkita tsaka nag kwentuhan kasi nababad kami sa pag aaral. Dumating kami sa point na hindi kami nagsabay sabay pauwi kasi hindi sila umuwi, ako lang!
Inaya ko lang talaga sila today na huminga kasi feeling ko sasabog na ang dalawang 'to kung hindi ko pipigilan sa kaka-aral. Parehas ba namang adik sa acads, eh. Pero mas malala talaga si Roni, sa kanya talaga ako pinaka concerned.
"Uy, Andi!" Nagulat naman ako kay Sol na bigla na lang akong tinapik sa balikat, nakita niya rin 'yung dalawa kaya nag hi rin siya sa kanila. "Birthday ko next Friday tapos term-ender na rin! Diyan lang sa Barn, punta kayo!"
"Invited kami, pre?" Sid asked.
"Oo nga! Kayo nga eh!" Sol answered. "Punta kayo! Ipapasend ko kay Raph 'yung details, Andi!"
Tumango na lang ako dahil lagi rin naman kaming magkausap ni Rapha. Sa Saturday 'yung plano naming pag photoshoot for our final project sa subject kung saan kami partners. Nag decide kami na sa Lipa na lang din para sabay na rin kami nila Roni at Sid.
"Sinong magda-drive for us?" Roni asked. "Sabihin mo sa crush mo siya na ang mag drive, Ands. Tinatamad ako. 'Di ba sa kanya rin naman ang car since uuwi siya after?"
"Oo pero nakaka hiya!" Sabi ko. "Ako na lang! Sabihin ko ako na lang mag drive!"
"Si bait," Sid teased. "Basta sa likod ako, matutulog ako."
"Ugh, si Rapha na passenger princess syempre car niya 'yon!" Labag pa sa loob ni Roni. "Pasalamat ka mahal kita, Andrea! Deserve mo naman kiligin! Ang sacrifice ko ay tabihan si Siddy sa likod."
"Wow, ah," reklamo ni Sid. "Ayaw mo pa ako katabi lagi ka nga nakiki sandal."
"Aba, dapat lang," pag patol pa ni Roni. "Ano pa at kaibigan kita kung hindi ka pwedeng gawing sandalan?"
Natawa ako dahil para na naman silang mga bata kung mag sagutan. Parang noong highschool lang, eh.
raph 🦒
08:40 PM
andsss
slr ngayon ko lang nakita message mo
YOU ARE READING
The Very First Night
RomanceAndi Cojuangco has always had a heart for others. She has so much and too much love to give that sometimes, she loves the wrong people. Is Rapha Sevilleja one of the right ones or the wrong ones?