Chapter 02

73 5 0
                                    

"Patingin nga ako!"


"Oh," inabot ko kay Roni ang phone ko. "Sabi ko sa inyo, I am so galing talaga!"


Ngumisi siya at sinabunutan ako dahil sa kilig. Tuwang tuwa rin ang gaga for me!


"Siddy!" Masaya kong pinag buksan ng pinto si Sid. "Lookie, followed back na ako!"


"Wow!" Para siyang proud dad na napa-takip pa ng bibig. "Message mo na agad! Tanong mo kung gusto niya ng destination wedding."


"Siraulo," Roni laughed. "Baka naman matakot!"


Natawa lang din si Sid at kumuha ng candy na kinakain ko. Nasa bahay kami ngayon sa province at pina-invite sila sa 'kin ni daddy na mag brunch dito kaya naman noong sinabihan ko silang dalawa ay dumating agad sila, hindi man lang nag dalawang isip.


"Saan si tito?" Roni asked.


"Pabalik na 'yun, nag golf lang."


"Saan ang pagkain?" Tanong naman ni Sid.


"Niluluto pa," I answered. "Hoy, ikaw ang my turn next sa pag-drive pabalik ng Taft, Simon!"


"Okay, Andrea."


Sa living room lang kami nag stay habang hinihintay namin ang food at si daddy, nanood lang kami ng Modern Family sa TV.


Wala na talagang hiya ang dalawa kong kaibigan sa house dahil wala rin naman laging tao kundi ako, si daddy, at tsaka si ate Jenny na housekeeper namin matagal na. Sa US nag s-stay 'yung mom ko, separated sila ni daddy pero good terms naman at nag uusap ng maayos, ayaw ko roon sa ibang bansa kaya kay daddy ako sumama. Pero kapag umuuwi naman si mommy ng Pilipinas ay nagkikita kami, we also talk naman sa chat and nag v-vc din kami sometimes.


"Ayan na pala ang best tito namin!" Tumayo agad sila Roni at Sid noong pumasok sa loob ng bahay ang tatay ko, nauna pa sila sa akin!


Sakto rin na luto na ang brunch kaya dumiretso na agad kami sa dining table. Magkatabi kami ni daddy at sa tapat namin 'yung dalawa na ang lilikot.


"Tito, si Andrea, may crush na!" Sabi ni Roni habang kumakain kami kaya sinipa ko siya. So ingay!


"Sino?" My dad arched a brow. "Hindi ka nagsasabi, ah."


"Baka kasi ma-jinx!" I said. "May balat pa naman sa pwet 'yang sila Roni tsaka Siddy!"


"Dinamay pa pwet ko," Sumimangot si Sid. "Hindi ko naman kasalanan na lapitin ka ng red flags, Ands."


"Hoy! Foul!" Sinipa ko rin ang paa niya. "Wrong people lang ang mga minahal ko noon, okay? And hindi 'yon counted! That was so high school!"


My dad laughed. "Basta humanap ka ng malakas ang loob na pumunta rito. Ni-isa sa mga naging ex mo, wala man lang nagpaalam sa akin o nagpakilala."


"Buti pa si Siddy eh 'no, tito?" Pang aasar ni Roni. "Jojowain ko 'yan kapag 40 years old na kami tapos wala pa kaming jowa parehas. Backburner ang peg."


"Sinong may sabi na gusto kitang jowain kaysa maging single na lang habang buhay?"


Natawa na lang ako sa kanila. Parang mga bata talaga! 'Yung tatay ko naman, aliw na aliw pa! Akala mo naman hindi pa siya sanay eh always namang ganito 'yung dalawa.


"Meryenda tayo somewhere," pag aaya ni Roni. "Hala, tara, ATC tayo!"


"Si arte," Sid teased. "Hanep sa meryenda, gusto sa Alabang pa."


The Very First NightWhere stories live. Discover now