"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kami rito!"
Hinihingal akong umupo sa gitna nila Sid at Roni. I woke up late kaya hindi ko na nasagot ang messages nila at nagmadali nang mag get ready kanina. First day na first day ng new term, I almost got late!
"Thank God," I sighed. "Buti hindi ako late."
"Bakit ba kasi late ka na yata nagising?" Sid asked.
"Hindi tumunog alarm ko!" I pouted. "Anyway, what's up?"
"Walang pogi," sumimangot si Roni. "Pangit ng frosh year, wala tayong poging kaklase."
"Si feeling," pang aasar ni Sid. "Akala mo naman naghahanap ng jowa."
"Pwede namang magandang tanawin lang!" Sabi ko kaya ngumisi si Roni. May sasabihin pa sana si Sid kaso dumating na 'yung prof kaya tumahimik na kami.
Na-deblock na kami ngayong third term kaya nag hunger games kami noong enlistment para magkakasama pa rin kaming tatlo for most of our classes.
"Where tayo kain?" I asked the two of them after we were dismissed. Maaga pa, wala pang eleven at maaga rin naman kaming pinalabas ng prof dahil introduction and syllabus lang naman ang na-discuss since first-day pa lang naman.
"Siddy," siniko siya ni Roni. "Ikaw mag decide."
"Gusto niyo Bloemen?" He asked.
"Ayaw." Sabay pa naming sagot ni Roni.
"Agno?"
"Ayaw."
"EGI?"
"Ayaw!"
"Aba, edi kayo na mag desisyon!" Sabi niya kaya natawa kami. "Magtatanong sa akin tapos ayaw naman lahat, edi 'wag!"
"Ay gagalet," Roni laughed. "Okay, 'wag ka na gagalet! Bloemen na tayo, behave na kami!"
Habang naglalakad kami papunta sa Bloemen, napansin ko na may ID na nasa floor lang, buti hindi pa natatapakan. Pinulot ko 'yon at tinignan kung kanino.
SEVILLEJA, Raphael Augustus D.
Ay, in fairness. Cute siya, ah.
"Huy, sino 'yan, teh?" Sinilip din ni Roni 'yung ID tapos nginisian niya ako bago kulbitin si Sid. "Sid, tignan mo! Type siya ni Ands, 'no?"
Sinilip din ni Sid 'yung ID. "Ah, oo. 'Yung mga ganyang vibes, crush na 'yan ni Andi."
"Wow, ah," sinamaan ko sila ng tingin parehas. "Desisyon kayo?"
"Sige nga, i-tanggi mo nga," hinamon pa ako ni Sid. "Pangit o pogi?"
"Cute!" Sagot ko.
"Nahiya ka pa!" Sinabunutan ako ni Roni. "Aminin mo nang pogi!"
Well, oo na nga! Pogi naman talaga siya! Ang ganda pa ng ayos ng buhok! Parang fluffy!
Hindi ko na sila pinansin. After naming bumili ng food at makahanap ng upuan, nagpunta na agad ako sa lost and found para ibigay doon 'yung ID dahil kawawa naman 'yung tao, baka nag overthink na kung saang universe ba napunta ang ID niya.
"Anong nawawala sa 'yo, hijo?"
"My ID po." A voice answered.
"Your name?"
YOU ARE READING
The Very First Night
RomanceAndi Cojuangco has always had a heart for others. She has so much and too much love to give that sometimes, she loves the wrong people. Is Rapha Sevilleja one of the right ones or the wrong ones?