II

17 3 0
                                    

"Darling, ganyan mo ba babatiin ang asawa mo? Maging sweet wifey ka naman!" si mommy.

"Cierra!" nakangiti at malambing na tawag sakin ni Neil bago yumakap at humalik.

Yes tama po kayo ng nabasa, humalik..

We kissed. Well, at least in front of our families.

Fake...

"H-hi.." awkward na bati ko habang pasimpleng pinunasan ang labi ko na hinalikan niya.

Kadiri.. pagkatapos kitang makitang nakikipaghalikan kay Sadie may gana kang halikan ako ngayon sa harap ng magulang ko?

"I can't believe na natapat pa mismo sa birthday niyong dalawa yung graduation niyo! As much as I want to have a separate celebration, maybe we can make it grand na lang no?" sabi ni Tita Tori habang paupo kami sa malaking couch sa may veranda.

"Yeah right, can't believe that we're getting old na parang kailan lang magkatabi pa tayo sa hospital bed nung pinanganak natin si Neil at Cierra and now, they're together and building a family of their own!" mahabang litanya naman ni mommy.

Medyo naubo naman si Neil sa huling sinabi ni Mommy kaya napatingin ako sa kanya at sa kamay niyang nakahawak sakin.

Napansin kong suot niya ngayon yung wedding ring namin. Mapagpanggap talaga!

Since day 1 na namulat kami sa mundo pinagkasundo na talaga kami dahil sabay kaming pinanganak ng mga nanay namin. No choice na kami kumbaga.

Matalik na magkaibigan ang mom ko at mom niya kaya hanggang sa kani-kanilang mga anak ay gusto nila maging totoong pamilya sila. At isa pa, sa linya ng mga business namin ay mas lalakas pa kung may business partner kami na kagaya ng ECS.

"Naiiyak naman ako na meron na lang akong dalawang linggo para makasama ang unica ija ko.." dagdag drama naman ni mommy.

"I think it's for the best na din, Giselle. So para aware na ang lahat na totoong magbalae na tayo. Aba! 3 years kong tinikom ang bibig ko wag ko lang masabi that Cierra is my daughter in law for real!" maaksyong sabi naman ni Tita Tori.

Totoo iyon, nung 18th birthday namin ay Marriage Certificate ang nakuha naming regalo sa pamilya namin.

Imagine, we were so young back then. How do I tell my classmates that I'm married? And to whom? Neil? When everyone knows he's Sadie's longtime boyfriend.

"Sabi ko nga dito kay Cierra magsimula na siya magayos ng mga gamit na dadalhin niya sa penthouse nilang dalawa ni Neil at after ng graduation slash birthday party nila ay dun ko na siya patutulugin" -si mommy

"Mom, I told you that I can move a few days later after the party. There's no rush." di ko na napigilan sumabat sa usapan nila dahil ayoko pa talaga.

I mean kung ang kasal namin ay dahil ginusto naming pareho at mahal namin ang isa't isa, di ko hihintayin pa ang 3 years para magsama kami sa iisang bubong pero hindi e..

Ako lang yung may gusto..

Ako lang yung nagmamahal..

"I agree with Cierra, mom and Tita. Isa pa, I want the penthouse to be renovated. Ang laki niya for us and I think we need another room for the guest kasi one room for the whole second floor is too much for us" sabi ni Neil na medyo nanlalamig na ang kamay.

Dahan dahan kong inalis ang kamay ko na hawak niya, tinignan niya lang ako pero di naman nagsalita.

Nanatili lang ang kamay niya sa hita ko.

The Mistress BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon