IX

17 3 0
                                    

"No, you can still come with me. Tatay is the president of that company. I'll never be too busy if it's for you. After all, you're my son."

 I shook my head, trying to dismiss how Neil claimed Elias as his son. That's not how I expected him to welcome my son.

Siguro ay dahil nandun ang mom ko at mom niya kaya niya nasabi yun.

Pero bakit niya hahayaing sumama ang anak ko sa opisina niya? Ipapakilala din ba niyang anak niya si Elias?

Umupo ako sa sala ng kwarto namin dito sa hotel na pinag-stayan namin ni Elias at binuksan ang tv para hindi ko maisip ang nangyari kanina sa bahay ng mga Tan.

Hindi naman siguro ipapahamak ni Neil ang anak ko?

It's been 5 years, pero wala paring nagbago sa itsura ni Neil. Mas lalo pa itong gumwapo, nabawasan ang pagiging playboy look niya. Hindi ko maipagkakaila, kamukhang kamukha talaga ni Elias ang tatay niya lalo nung elementary kami. Pati kung pano ayawan ni Neil lahat ng pagkaing may mani at mais ay namana ni Elias.

"Ms. Samantha totoo po ba ang napapabalita at ang laman ng blind item na ang ama ng pinagbubuntis mo ay asawa't anak na din?"  napaangat ang tingin ko sa palabas sa tv ng marinig ang pamilyar na pangalan na iyon.

"Balita ko ay madalas pa din kayong nagkikita at nagkakasama?"

"Totoo ba na isa siyang presidente ng sikat na kompanya dito sa Pinas?"

"Let's respect his privacy. I just want to keep things private, and I appreciate if you all respect that. Thank you." sagot ni Sadie sa mga reporter bago sumakay sa sasakyan.

Malaki na ang tyan niya at sa tantya ko ay nasa 2nd semester na siya ng pagbubuntis. Pinatay ko ang tv at pumunta sa balcony ng suite at nagsindi ng sigarilyo.

Kung kailan ako natutong manigarilyo? Hindi ko na din alam. Ang alam ko lang ay yosi ang tanging kasangga ko kapag malungkot ako. Pag masaya ko. 

Naalala ko na naman ang dahilan kung bakit bumalik kami ulit dito sa Pinas.

Magkakaanak na si Sadie at Neil. Kahit hindi nila kompirmahin iyon ay alam ko na si Neil ang ama ng batang pinagbubuntis ni Sadie.

Kahit gaano man ang galit ko sa kanilang dalawa ay hindi ko maatim na ilayo ang anak ni Sadie sa totoong ama nito, kahit pa ang ibig sabihin nun ay ilayo ko ang sarili kong anak kay Neil. Tutal umpisa palang ay alam naman ni Neil na hindi niya anak si Elias, ngayon na may kikilalanin na siyang sarili niyang anak oras na siguro palayain ko siya sa kasal na kahit kailan naman ay hindi niya ginusto.

Napatingin ako sa oras sa cellphone ko.

Alas singko na ng hapon pero wala pa din si Elias, hindi ko alam kung tama ba na mismong si Neil ang tawagan ko para ipauwi ang anak ko dito sa hotel.

Ida-dial ko na sana ang number ni Neil kahit di ako sigurado kung nagpalit na ba sya o hindi ng may marinig na nagbukas ng pinto.

"You live with a kid and you smoke?!" napalingon ako sa pamilyar na boses na yun.

Shit!

Agad kong pinatay sa ashtray ang sigarilyo na hawak ko at sinarado ang pinto ang balcony.

"Where's my son?" tanong ko at di pinansin ang una niyang sinabi.

Umiwas naman siya ng tingin at umupo sa couch. 

"My son wants to live with me. What have you been doing all these years? Elias wants a father!" medyo pasigaw na sabi niya sakin pero sa tv na palipat lipat ng channel ang tingin.

The Mistress BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon