"Morning.." narinig kong sabi ni Niel habang palapit dito sa kusina.
Nginitian ko naman siya pabalik, pero nanlaki mata ko ng makita wala syang ibang suot kundi yung boxers na suot niya din kagabi.
"should I turn on the aircon, ang pula ng mukha mo. Mainit ba?" nagtatakang sabi niya.
Napailing naman ako "no, it's fine. Dahil siguro dito sa niluluto ko. Malapit na to, sumabay ka ng kumain"
Base sa kinikilos niya, mukhang wala siyang maalala sa nangyari kagabi.
Well, ano pa ba ang aasahan ko? E habang ginagawa namin yun si Sadie pala ang nasa isip niya.
Nilagay ko sa lamesa ang niluto kong egg and bacon at nagsandok na din ng kanin para saming dalawa.
"Iyan palang laman ng ref, mamaya mag-grocery ako.." sabi ko bago umupo at kumain na din.
"mmm kayy" narinig kong sabi niya habang sumusubo ng kanin.
"grabe sakit ng ulo ko, ayaw magpaawat sa pagsalin sakin ng whiskey nila Daryl." parang batang nagsusumbong na sabi niya sa gitna ng pagkain namin.
"btw, san ka natulog? I don't remember seeing you at the after party and wala karin sa room kanina paggising ko" tanong niya
Nagkibit balikat ako "mmm we're at the rooftop, remember Ralph? Nakasalubong ko siya sa lobby so we had our little kamustahan sa rooftop bar"
"Ralph? Yung first love mo nung elementary?" medyo natatawang tanong niya.
Pilit na ngiting tumango naman ako at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Ralph was not my first love. Well, nagtry sya to make a move on me when we're on our 6th grade. Kaklase din namin si Neil nun since inseperable nga kaming dalawa since birth.
Kung alam lang ng lalaking nasa harapan ko kung sino ang first love ko, at ang first hmmmm.. erase erase!
Dapat galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya kagabi pero here I am nakikinig sa mga kwento niya sa nangyari kagabi sa party.
I wonder kung bakit di sila magkasama ni Sadie kagabi kahit nandun din siya? Or baka di lang siya makatiyempo dahil madami din reporter sa harap ng condo.
"I heard Ralph will be taking over his dad's company, can you set me up a meeting with him? You know that I'll be starting to work like a real man next week" sabi niya pagkababa sa baso na ininuman niya.
Patay! E di ko naman totoong kasama si Ralph kagabi.
"Mmm okay, sure" alanganing sabi ko
"Thanks, love! You're the best!" masayang bati niya habang inuubos ang natirang pagkain sa pinggan.
"Love" has been our endearment since we were seven, taught to us by our uncles and aunts. Hanggang sa iyon na ang nakasanayan naming tawagan until high school kung saan natuto na siyang ma-inlove sa ibang babae. Ano ba naman malay ng pitong taong gulang na mga bata sa ibig sabihin ng love?
And if you're wondering why he's being nice to me, this is our reality. Unlike other stories na nababasa sa libro o napapanuod sa telenovela, kahit fixed marriage kami ay okay ang pakikitungo namin sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
The Mistress Bride
RomancePaano nangyari yun? Dahil ako ay kabit ng asawa ko... --- If you're into R18 content and similar stuff, you're welcome here ;)