Kabanata 9

7 0 0
                                        

9

"Mag-apply ka na ng national competition card mo para makasali ka na sa mga regional at national competitions, Nari," ani ni Sir Angeles sa akin noong isang araw na ino-orient niya iyong mga varsity tungkol sa nalalapit na Philippine National Games.

Kakatapos lang ng training noon. Tho, i'm back in my sport. Hindi ko mahanap sa sarili ko ang kagustuhang sumali ulit sa mga competitions. My prime days were done. Hindi ko na alam paano ibalik iyon.

"Sir, pwede na po bang umuwi 'yong mga hindi varsity?" tanong ni Theia kay Sir Angeles.

Isa rin siya sa mga nakilala kong players noong bumalik ako sa training after ng university meet. Under pala siya ng isang senior black belt na mas mataas pa kay Sir Angeles at ibinigay lamang siya sa grupo ng mga varsity.

We're currently in the same boat.

"Tapos naman na ang meeting natin. Jumping jacks and then pwede na tayong umuwi," ani ni Sir Angeles.

"Okay po, Sir."

Tumayo na kaming lahat after ng huling paalala ni Sir Angeles at nag-warm up na.

Nakapagpalit na ako ng damit. Kinuha ko ang aking gamit at lumabas na sa dojo nang walang pinapansin na kahit sino sa kanila. They were all busy. Kung hindi nag-kwekwentuhan pa ay busy sa pag-mi-mirror shot na naka dobok.

Tinahak ko ang madilim na daan ng oval. It's so chilly and windy out here. Tanging ang sinag lamang ng buwan ang naging gabay ko upang umuwi nang ligtas noong gabing iyon.

Tumingin ako sa aking likod nang marinig ang tumatakbong mga paa na papalapit sa akin. I turn around to see it was Mateo. Sa hindi malamang kadahilanan ay lumingon ako sa harap at walang sabi-sabing tumakbo patungo sa direksyon ng dorm.

Bahala ng matisod. Basta ang nasaisip ko lamang noon ay ang makalayo mula kay Mateo.

Hindi pa man ako nakakalayo ay ramdam ko na ang mga kamay ni Mateo na pumigil sa aking braso.

Napatigil ako sa pagtakbo. Pumunta sa aking harapan si Mateo at humarang sa aking dinadaanan. Hindi man lang siya hiningal sa paghabol sa akin!

"Anong kailangan mo?" iwinaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa akin. Ayokong makita kami ni Reika na nag-uusap.

"Hindi mo ako hinintay."

Tumaas ang aking isang kilay. "Bakit? Kailangan ba?"

Nalukot ang gwapong mukha ni Mateo sa aking pagmamaldita. "Pag-lingon ko kanina wala ka na. Tinakbuhan mo rin ako noong hinabol kita. Iniiwasan mo ba ako, Cha?" tanong niya.

Mabilis akong umiling. Why would he get that idea? Ang iniisip ko lamang ay ang iisipin ni Reika kapag nakita niya kaming dalawa dahil ayoko ng gulo.

"Please, Mateo. Stop bothering me okay?"

"Bakit? Iniiwasan mo naman ako a."

"That's the point! Iniiwasan na kita pero lapit ka pa rin nang lapit! Ayoko ng gulo, okay?" nanghihina kong sambit.

Ewan ko ngunit nauubusan na ako ng mga rason upang iwasan siya kung patuloy lamang na ganito. Patuloy niya akong sinusubukang kausapin tuwing napapansin niya ang mga inaasta ko sa kaniya.

"Walang gulong mangyayari, Cha. What are you even saying? Sinusubukan kong makipag-usap sayo. Sinusubukan kong kaibiganin ka dahil ayokong lumalayo ka."

Hindi tuluyang naproseso ng aking utak ang sinabi ni Mateo. Ayokog makita kaming dalawa ni Reika. Kapag nakita niya kami ay magbubuntong na naman iyon ng galit sa akin.

"Please, Mateo. Nilalayuan kita dahil ayoko ng gulo kaya layuan mo na rin ako!" sabi ko habang frustrated na iniisip ang mga mangyayari.

Mamaya ay bugbugin na naman ako ni Reika sa pisteng sparring rotation na yan na lagi kong iniiwasan.

Game of HarmonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon