Kabanata 12

5 0 0
                                        

12

Natapos ang training nang halos mag-a-alas syete. Masiyado silang nag-enjoy sa drills at hindi na nila namalayan ang oras. Aaminin ko sa sarili ko na pati ako ay nawili sa mga itinuturo ni Mateo. Hindi ko nga rin namalayaan ang oras.

Paalis na ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Ate Mia. Lumingon ako at nakita kong kasama niya ang grupo nila Alfred. Kasama rin sina Hanna at Leon.

"Nari, sama ka ba?" tanong ni Ate Mia sa akin.

Nabitin sa ere ang pagkuha ko sa aking selpon sa bulsa ng aking jogging pants.

"Huh? Saan?" tanong ko. Kunot ang noo.

"Kakain. Sa labas," napatingin ako sa nagsalitang si Mateo. 

Tumaas ang aking isang kilay. Ngayon ay napakalamig na niya? Bipolar ba itong isang ito? Hindi ko siya maintindihan minsan.

"May curfew ako ng 8. Hindi pwede—"

"Ngayon lang to! Sama ka na, Nari!" si Steven iyon na nakadungaw mula sa likod ni Mateo. 

Ang liit niya upang tumayo pa sa likod ni Mateo.

"Hindi talaga pwede—"

"I-chat mo na lang iyong dorm manager mo. Pwede naman, hindi ba? Sa harap lang naman ng uni," si Alfred na ang nagsalita.

Naglumikot ang aking mga mata upang hanapin ang sagot na aking kailangan upang makatakas. Nahanap ng aking mga mata si Reika na katabi si Steven. Ang kaniyang mga mata ay nanlilisik na nakatingin sa akin.

Tahimik lang siya ngunit ang kaniyang mga mata ay todo ikot na. Psh. Makairap pa kaya siya kapag dinukot ko na 'yong dalawang mata niya? Nakakairita na siya ha. Hindi pa ba siya maka get-over na hindi siya ang pinili ni Mateo maging partner kanina? Hindi ko naman kasalanan na ako ang pinili ni Mateo.

Namuo ang isang ideya sa aking utak. 

Taas noo kong sinalubong ang mga titig ni Mateo.

"Sasama ako. Saan ba?" tanong ko.

"What!?" si Reika na biglang tumaas ang boses.

Katulad ng inaasahan kong reaksiyon ni Reika ay lumabas nga. Napatingin tuloy sa kaniya si Ate Mia.

"Bakit? Ayaw mong sumama, Reika? Pwede ka naman na umuwi," sabi ni Ate Mia kay Reika.

Napaiwas ako ng tingin upang pigilan ang pagtawa.

 Alam kong pinapanood ng iba ang aking expresyon.

"No way! Varsity players tayo! Dapat tayo ang magkakasama!" diin ni Reika.

Napatingin ako sa sinabi niyang iyon. Dumagundong ang aking dibdib dahil sa inis. Ipinapamukha ba niyang player ako pero hindi varsity katulad nila?

 For her information, scouted pa lang siya katulad ko. Isa siyang transferee ireg at kailangan niya pa ng 1year residency upang mapabilang sa grupo nila Mateo! Ang kapal naman niya sa parteng iyon!

"Tama na, Reika... Huwag mong sirain ang appetite ng lahat para sa dinner," ani ni Mateo at nauna nang naglakad kasama ang kanina pang tahimik na mag-jowa. 

Padabog na sumunod si Reika at agad naman siyang sinundan ni Steven.

"Tara na, Nari," pag-aaya pa nito sa akin bago tuloyang sumunod sa mga yapak ni Reika. Tuluyang na rin akong kinuyog nila Ate Mia at Alfred.

Nakakainis talaga iyong babaeng iyon kahit kailan.

Ang tapang na kanina ko pang ipinapakita ay parang naglaho bigla. Hindi ko alam kung bakit apektado ako sa sinabing iyon ni Reika. Dahil ba mas malapit na siyang maging varsity kaysa sa akin?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 08, 2025 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Game of HarmonyMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon