Kabanata 10

5 0 0
                                        

10

Simula nang naging alitan namin ni Mateo sa acquiantance party ay hindi na ako muling nagpakita pa sa gym. Iyon na rin ang huling beses na nakita ko si Mateo. Malawak ang univ, ngunit maliit lamang ang mundong kinalalagyan namin kaya napaka-imposimbleng hindi mag-krus ang landas namin.

 Nahihibang na nga yata ako dahil halos araw-araw ay nakadungaw ako sa may balkonahe at umaasang dadaan ang grupo nila Mateo. At yayayain akong mag-training. I don't know why i felt so disappointed. Araw-araw ay umaasa akong makikita ko siya ngunit nagdaan ang dalawang linggo na kahit anino niya ay hindi ko nakita. 

Itinaboy ko na siya. Ngunit bakit ngayon ay nakakaramdam ako ng lungkot dahil lang sa hindi ko siya nasilayan ng dalawang linggo? Nababaliw na nga yata ako.

"Malayo ang tingin..." 

Napalingon ako kay Cat na kakarating lamang. Tinatanggal na niya ang kaniyang sapatos habang nakangising nakatingin sa akin. Kagagaling lang niya sa klase.

"Nag-iisip ako ng isasagot sa assignment," pagrarason ko at bumaba ang aking tingin sa notebook at ballpen na nasa aking harapan. Wala pa nga akong nai-susulat e. Takot lang talagang aminin ang kaniyang nasaksihan na paulit-ulit kong pagsulyap sa kalsada.

"Talaga ba? Well...Goodluck! Sana marami kang ma i-sulat," ngising aniya bago tumalikod upang pumasok na sa room bitbit ang kaniyang black shoes na may takong.

Muling bumalik ang aking tingin sa kalsada. Ano ba itong ginagawa ko? Did i really lost my mind? Hindi na yata gawain ng taong may normal na pag-iisip ang ginagawa ko.  Araw-araw ko na lamang inaaksaya ang oras ko sa pag-aabang ng isang taong ayaw naman magpakita. 

O kaya ay nakipagbalikan na siya kay Reika kaya ay wala na sa oras niya ang pag-peste sa kaniyang studyante upang magtraining? Mabuti naman kung ganon... Kaya siguro ay tinigilan na rin ako ni Reika.

Ngumuso ako. Hindi ko maunawaan ay biglang pagtamlay ng aking puso. Hindi nakakatuwa ang sikip sa dibdib ko dahil sa isiping iyon. Sana nga ay masaya siya. 

Tinapos ko na lamang ang aking assignment na walang kasiguraduhan ang mga sagot. Siguro naman ay may tama pa rin sa mga ito dahil research naman ang ipinapagawa ng instructor namin.

Alas singko y media na nang lumabas ako sa dorm upang mag-muni muni sa campus. Wala nang mga tao non dahil hanggang alas singko lang ang pasok ng mga studyante at faculty. Mag-isa kong naglibot sa buong campus upang hanapin ang katahimikan sa aking puso't isipan.

Nakarating ako sa may tennis court nang mapansin ko si Alfred at Ate Mia na magkasama. Mukhang naglilibot din sila sa buong campus. Pareho pa silang naka-jogging pants. Road run?

Nakita agad ako ni Ate Mia kaya ay kumaway siya sa akin. Napasunod ang tingin sa akin ni Alfred. Sinalubong ko sila nang may ngiti sa aking labi. Hindi ko alam ngunit parang nangati ang aking dila upang magtanong kung nasaan nga ba si Mateo.

"Oy! Kamusta ka na, Nari? Hindi ka na ulit nag-training ha. Hinahanap ka na ni sir Angeles," pagbabati sa akin ni Ate Mia. 

Huminto sila sa mismong tapat ko upang makausap ako.

"Hinahanap ka na rin ni, Lee," singit naman ni Alfred. Agad naman siyang siniko ni Ate Mia habang may pagbabanta sa kaniyang mga mata.

My heart beat. Ang bilis ng pag-responde ng aking puso sa pangalang iyon.

Parang nabahala si Ate Mia sa sinabi ni Alfred sa akin kaya naman ay agad siyang umapela sa sinabi ng kasama.

"Hindi! Hindi ka nga hinahanap ni Mateo. Kailan ka ba ulit mag t-training, Nari?" tanong ni Ate Mia sa akin. Ang pagsubok niyang ibahin ang usapan ay umepekto agad sa akin. 

Game of HarmonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon