11
Tumitig ako sa facebook account ni Mateo na sinend sa akin ni Ate Mia. Dalawa ang account pala ng lalaking iyon. Iyong isa ay iyong second name at apilyedo niya lamang ang nakalagay. Iyon ang kaibigan ko ngayon sa facebook at doon ko siya pinapadalhan ng mensahe. Samantalang iyong kakasend naman sa akin ni Ate Mia ay iyong account ni Mateo na gamit niya simula pa noong high school siya.
Iyong profile niya doon ay noong junior high pa siya. Ang asim niya pa tingnan doon. Malayong malayo sa Mateo na kilala ko ngayon. He look so mature and handsome now compared to his profile picture before.
Paano ba naman kasi e naka topless siya sa profile picture niya na iyon. Nakabalandra pa ang kaniyang abs habang tinatamaan ng sinag ng kahel na araw. Kung ang batang siguro ako ay paglalawayan ko pa ang kaniyang katawan sa litrato niyang iyon. Ngunit habang tinititigan ko ito ngayon ay wala akong ibang maisip kung hindi ang asim niyang tingnan doon.
Damn. Wala ba siyang balak mag-change ng profile picture?
Nakahiga ako sa aking kama. Nagse-selpon at tinatawanan ang litrato ni Mateo noong kabataan niya. Sa ganoong posisyon ako naabotan ni Cat.
"Ang saya mo yata ngayon ah?" aniya sa akin.
Umupo siya sa kaniyang kama at pinanood ako.
"May pinapanood lang," sagot ko naman.
Tumawa lamang siya at hindi sumagot. Tumagilid ako ng higa habang ni-z-zoom ang picture ni Mateo. Ang asim niya talagang tingnan! Wala na ba siyang ibang picture? If none, dapat ay humingi siya sa akin! Napakadami niya kayang stolen pictures na naka hide sa selpon ko na magaganda pa ang kuha. Hmp! Hindi iyong pinagtitiisan niya pa iyong napakaasim niyang mukha noong kabataan niya!
Ngunit habang nag i-scroll ako sa kaniyang mga litrato noon ay may napansin akong isang bagay. Sa lahat ng mga iyon ay nakangiti siya. Iyon ang ipagkaiba ngayon. I rarely see him smile. Ako nga ay hindi niya rin mabigyan ng ngiti na galing sa kaniyang puso. Mahal siguro ang ngiti non at mga kaibigan niya lang siguro ang nakakakita ng kaniyang ngiti.
Pinagsawahan ko ang pagtawa sa mga litrato ni Mateo. Nakatulog na lang siguro ako nang dahil sa pagod sa kakatawa noong gabing iyon. Minsan nga ay sinasabihan na ako ng mga kasama ko sa room na nababaliw na ako dahil ang saya saya ko sa kalagitnaan ng gabi.
After that conversation with Mateo ay parang nawala ang galit ko sa kanilang lahat na parang bula. Pati ang tungkol kay Reika ay nakalimutan ko dahil sa usapan namin ni Mateo.
Umasa ako sa sinabi ni Mateo na makukuha ko ang record ko kapag ipinagpabuti ko ang pag-training. Kaya ay halos araw-araw akong nag-training nang ilang linggo. Umaabsent lamang ako kapag kailangan ko ng maiging pag re-review para sa quiz kinabukasan.
Sa mga nagdaang linggo na iyon ay mas naging mabuti ang pakikitungo sa akin ng mga varsity players. Nalaman ko din na magka-relasyon na rin pala sina Alfred at Ate Mia. I'm happy for them, though, i'm not shock with the news. Halata rin naman kase sa kanilang mga galaw na may something sa kanila.
Napatingin ako sa aking selpon nang tumunog ito. Nasa kama ako ngayon. Nakaupo at nakaharap sa aking laptop. Abala sa pagtapos ng isang program.
Binasa ko ang mensahe.
Theia:
Ate mag p-promo ka ba this weekend?
Iyon ay ang blue belt player na dati kong kinaiinisan dahil hindi nito makuha-kuha ang tamang paraan ng pag-sipa. Siya din ang dahilan kung bakit hindi ako makapag-training ng maayos noon dahil hindi niya alam ang tamang paghawak ng kickpad at hindi niya rin alam ang tamang pag-iwas sa mga sipa ko. Palagi kaya ako na i-pa-partner sa kaniya noon. At palagi ko rin siyang nasasaktan dahil doon. Hindi ko naman na kasalanan iyon
BINABASA MO ANG
Game of Harmony
RomansaIf caught between a bewildering game, would you fight or flee?
