KABANATA 01

222 132 18
                                    

°°°
Transfer

Hawak hawak ko ang litrato ng lalaking matagal ko ng ninanais na makaharap habang binabaybay ang daan patungo sa waiting shade ng MU.

Matagal ko ng nais makita ang lalaking nasa litrato. Gusto kong kumustahin siya. Gusto kong yakapin siya. Gusto kung magpakilala sa kanya.

At ang matagal ko ng nais ay abot kamay ko na, ng makita ko siyang nag aayos ng kadena na ipinantali niya sa kaniyang bisikleta.

Napahinto ako habang tinatanaw ito. Halos mag ka halo halo na ang nararamdaman ko. Gusto kong umiyak peru natatawa ako. Kasi maasaya ako. Masaya ako na sa wakas nakita ko na siya.

Tumayo siya ng matapos ako naman ay humakbang papalapit sa kaniya ng dahan-dahan, hanggang sa mapunta ang atensiyon niya saakin. Para akong tinutunaw sa tingin niya, walang namutawing boses. Walang tanong tanging titigan lang. Hanggang sa marinig ko ang tibok ng puso ko. Alam kong hindi iyon guni-guni lang dahil talagang ang lakas habang papalapit ako sa kaniya.

Hanggang nag kusang huminto ang mga paa ko sa harap niya. Nakatingin ito saakin nagtataka. Oo nga naman ngayon pa lang niya ako nakita kaya siyempre ay magtataka talaga ito kung bakit may isang babae na bigla biglang tatayo sa harap nito. Kumunot ang noo niya.

"Sampung taon na ang nakakalipas... Kumusta kana?" mahinang tanong ko. Tutok na tutok ang tingin ko sa kaniya, na parang kapag kukurap ako ay maglalaho siya.

Ayaw ko yun. Hindi ko gusto. Matagal ko tong hinintay.

Luminga linga ito sa kanan ka kaliwa. Tumingin sa likod, nag babaka sakaling may tao doon, peru wala. Kaya muling itinuon niya saakin ang tingin niya.

"I'm sorry Miss? Maling tao yata ang nilapitan mo... Hindi kita kilala." saad nito ng mapagtanto na siya lang ang tao doon at kinausap ko.

"Peru ikaw si Atticus? Atticus Montenegro?" bagkus na sagutin ang tanung niya ay nagtanong ako.

Dahan dahan ngunit tumango ito na nagbigay galak sa puso ko. "Oo." sagot nito.

"Then, ikaw nga ang hinahanap ko. Hindi ako nagkamali." saad ko at dinamba siya ng yakap.

Matagal ko ng gusto iyon. Matagal ko ng gustong gawin sa kaniya iyon. Ang yakapin siya ay hiling ko, matagal na.

Napatuwid ito ng tayo. Alam kong nagulat ito sa naging asta ko at humihingi ako ng tawad doon. Humigpit ang yakap ko sa kaniya habang ipinikit ang mga mata ko. Ninanamnam ang magandang pakiramdam na makayakap siya.

'Kahit ilang minuto lang,' bulong niya sa sarili.

Peru isa, dalawa, "Anong ginagawa mo?" dalawang minuto lang ang nakalaan para mayakap ko siya.

'Hindi man lang ginawang tatlo.' nagtatampong bulong niya at tinignan ang lalaki.

Hindi ko siya masisisi kong itinulak niya ako. 'Kasalanan mo rin naman, Eliana. Basta basta ka nalang nangyayakap.'

"Sino kaba? Kilala ba kita? Hindi. Hindi kita kilala." may inis sa boses na saad nito at tumalikod.

Naglakad ito papalayo saakin. Papasok sa gate.

MU SERIES #1: Touching The Sky || Season 1Where stories live. Discover now