KABANATA 13: CONTINUATION

52 30 4
                                    

°°°
Naruto

    Nang matapos ko ang pagkain ay nandoon parin ang masama kong tingin kay Atticus, habang ito naman ay nagpatuloy lang nakumakain ng kanyang takoyaki at walang pakialam na 'di ako nililingon.

    Nang matapos siyang kumain ay itinapon nito sa trash can ang paper plate at nag pahid ng labi. Kumunot naman ang noo nito ng nilingon niya ako at makita akong masama ang tingin sa kaniya.

    Ipinilig nito ang ulo nito at nag simula ng mag lakad, nilampasan ako nito. Sinundan ko naman siya ng tingin at ng makitang tuloy-tuloy ang lakad nito ay mabilis akong tumayo at tinakbo ang daan patungo rito.

    Tatlo, apat, limang hakbang nalang ang kailangan kong gawin para umabot sa kaniya. Nasa-isip ko ang batukan siya kanina pa at gusto kong gawin iyon sa kaniya ngayon.

    Nasa ere ang kamay kong nakakuyom ng humakbang ako ng dalawang beses, nasa likod na niya ako at inihanda ang kamao para magawang batukan ito ng....

    Nanlaki ang mga mata ko at iniinda ang sakit na naramdaman sa bandang dibdib ko.  Nakayuko ako hindi dahil tumama ang mukha ko sa kinasasadlakan ko, peru nakayuko ako dahil sa hiya. Nahihiya ako at alam ko na maging si Atticus ay galit na ngayon at maging siya rin ay nahihiya sa ginawa ko.

 Hindi ko alam, hindi ko sinasadiya.

  Madiin kong kinagat ang labi ko at dahan dahang nag taas ng tingin dito.

   Walang emosyon ang mukha nitong nakatingin saakin, hindi ko mabasa. Hindi ko alam kong galit o kung ano ang nararamdaman nito, hindi ko alam.

    “S-sorry,” nauutal na saad ko.

    “Tss,” tugon nito at panlalaking umirap ito saakin.

    Napalunok ako at dahan dahang tumayo. Pinagpag ko ang mga buhanging nakadikit sa damit ko at pagkatapus ay humarap sa kaniya.
    
    Tumikhim ako.

    “S-sorry, hindi ko sinasadyang gawin iyon. Napatid ako ng may natapakan akong bato, hindi ko na balanse ang katawan ko kaya natumba ako. H-hindi ko rin alam kong saan ako hahawak, wala akong makitang matigas na bagay na  puwedi kong hawakan. Hindi ko sinasadya, Atticus...” kinakabahang pahayag ko.

    Hindi ko naman talaga sinasadya, humihingi lang ako ng tawad kasi alam kong may napapadaan na nakita siya. At alam kong nahihiya siya sa bagay na iyon.

    “H-hindi ko sinasadyang mahawakan ang p-pantlong suot mo,” mahinang dagdag ko at yumuko peru narinig ko ang pag ingos niya na mas ikinakabog ng damdamin ko.

    “Hindi mo sinasadya?  C'mon Eliana, are you that angry to me just because of that three takoyaki? Are you that angry to me to do a foollish, childish act?” mahina, peru may diing  bulyaw nito, kumunot ang noo ko.

    Hindi ba siya nakakaintindi? Mahirap bang intindihin ang salitang hindi ko sinadya ang nangyari?

    “Atticus, hindi ko nga sinadya-” hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko pa sana ng pigilin ako nito.

    Itinaas nito ang hintuturo at madiing itinuro iyon saakin. “Stop.” madiing saad nito na may seryosong mga mata na tumingin saakin.

MU SERIES #1: Crush'n YouWhere stories live. Discover now