KAPALARAN CHAPTER 1

2 0 0
                                    


Dean's POV

Ang araw na ito ang ayaw ko sa lahat.

"Hell!"

"Yes."

"Aalis na tayo."

"K."

Maganda nga ang araw na ito, pero mahirap mang intindihin ngunit ang ayaw ko sa lahat ay ang lilisan ng walang paalam.

"Iyong phone mo hell, kanina pa yan may tumatawag" biglaang bumalik ang aking ulirat at tiningnan ang aking telepono, ngayon ay nakalatag sa aking tabi.

Dinampot ko ito at itinapat sa aking kanang tynga.

"Hello."

"Hoy, Hell! Hindi mo sinabing aalis kayo ngayon."

Bumuntong hininga muna ako bago ko siya sagutin ngunit biglang  nagliwanag ang kinaruruonan namin.

Mga tunog ng sasakyan , mga taong hindi ko maaninag at mga boses nilang hindi ko masyadong marinig at bigla nalamang nagdilim ang aking paningin...

"Dean!"

Binalingan ko ang taong tumawag sa akin.

"What!, alam mo namang meroon akong tinatapos dito"

"Kasi naman, may tumatawag sa phone mo"

Bumuntong hininga muna ako bago ko ibaling ang aking paningin sa aking telepono.

Tumatawag na naman siya, bakit ba ayaw niya akong lubayan.

"What!"

"Wala bang hello or good day diyan."

"Oh common cut that nonsense idea of yours, okay."

"Okay I will pero ano."

"Anong ano."

"Papayag ka ba, alam mo namang ito ang gusto ni mom and dad."

"Ano ba ang magagawa ko, alam mo namang na sa kasunduan na iyon."

"Omg, for real."

"Wag Kang OA, Sige na mayroon pa akong ginagawa."

"Okay."

Bago ko pa maibaba ang telepono ay pinatay ko muna ang tawag pagtapos ay pinindot ang silent mode para naman wala nang mang-isturbo sa akin.

"Sino iyon, ate mo?" tanong ng taong kasama ko sa paggawa ng project namin, isang simpleng tango nalamang ang itinugon ko dito bago magsimula muling  libangin ang sarili sa paggawa ng project.

Ilang minuto rin ang nakalipas, niwalang sino man ang kumibo at tanging paghinga lang namin ang naririnig sa bawat sulok ng silid.

"Hindi naba magbabago ang isip mo."

"I mean mag-iilang buwan ka palang sa paaralang pinapasukan natin pero lilipat ka rin agad-agad?"

Tumingin ako dito dahil sa sinabi nito, alam ko naman na ito ang mangyayari dahil nga nasa kasunduan na iyon ng mga magulang namin.

"Bakit Ikaw?"

"Anong bakit ako?"

Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi nito bago ko ito tanungin muli. "I mean bakit nakipagkasundo ka rin?"

"Ganoon ba" humagikhik muna ito bago magsalita muli. "Para naman may thrill ang buhay ko, at tsaka once in the blue moon lang naman ito."

Tumango nalamang ako sa sinagot nito na ikinaismid nito at nagpatuloy nalamang sa paggawa.

"Last project na pala natin ito."

"Hmm" tugon ko nalamang dito.

"Hindi mo pa sinagot ang tanong ko" tumingin ako dito dahil sa sinabi nito.

Napatanong tuloy ako sa sarili ko kung bakit nga ba humantong sa ganito ang buhay ko.

"Kahit magbago ang isip ko, wala rin naman akung kawala."

"At isa pa hindi ako ang nagdedesisyon sa sarili ko, dahil wala naman akung alam sa pagkatao ko" dagdag ko dito.

"Oo nga naman" sang-ayon nito sa akin.

"Pero alam mo insan, excited ako sa lilipatan nating paaralan."

"Balita ko pa kaibago pa nito, last year silang nag-open ngunit this year pa sila tumanggap ng mga istudyante, at isa pa, pili lamang ang mga istudyante."

"Parang free trial lang ang peg, diba!"

Madami pa itong sinasabi ngunit hindi ko narin nasabayan dahil nga iniisip ko kung bakit may mali sa paaralang iyon.

Sa totoo lang, ang paaralang binabanggit ng pinsan ko ay ang paaralang bigla nalamang nag shutdown, kumbaga bigla nalamang naglaho, kaya kung iisipin matagal natalaga ang paaralang iyon ngunit dahil daw sa issue noon ay bigla nalamang itong ipinasara.

Pero nitong mga nakaraang taon daw ay napagdesisyunan ng may-ari ng paaralan na iyon na ibenta ito, kaya iyong nakabili ngayon ay minabuti nilang buksan ito ulit ngunit iniba daw ang pangalan ng paaralan, hindi ko rin naman alam ang history nito o kung ano ito dati, kahit nga pangalan nito ay wala akung alam.

Tanging ang magulang ko lang naman ang nagdedesisyon na doon ako ilipat ng agaran.

"Nakikinig ka ba sa akin dean."

Napabalik ako sa ulirat ng bigla nalamang akung kalibitin ng pinsan kung ito.

"What?"

"May paganyan-ganyan ka na sa akin insan ha!"

"Kailangan bang sumigaw" nakakunot noong ani ko dito.

"Ito naman 'di mabiro" natatawang ani naman nito.

"Pero seryoso, anong iniisip mo."

"Curious lang ako sa paaralang lilipatan natin."

"Ako nga rin eh, pero 'di bale na nga lang at tapusin na natin ito, ilang kimbot nalang at matatapos narin ang gawa natin."

"Okay."

Habang pinagpatuloy namin ang ginagawa ay bigla nalamang nagkaroon ng ingay galing sa labas ng apartment namin.

"Ano kaya iyon dean? Napakacreepy naman ng ingay na iyon."

"Iwan ko" walang hiyang ani ko dito na siyang ikinasimangot naman nito.

Hindi narin naman iyon normal dito sa lugar na ito. Tuwing Gabi may kakaibang mga ingay kaming naririnig, kaya naman ay nasasanay narin kami sa mga naririnig namin.

"Pustahan pa, may mawawala na namang tao nito bukas."

"Hindi narin naman bago" ani ko naman dito.

"Sa bagay."

"Hay! Salamat, tapos narin."

Tiningnan ko ito, na ngayon ay nakahiga na mismo sa sofa bago ko ibaling ang mga paningin ko sa gawa namin.

Maganda naman ito, isang bahay na gawa ng iba't ibang uri ng recyclable na gamit, ang huling project na aming ipapasa bukas mismo na siyang pag-alis rin namin sa paaralang pinapasukan.

"Excited na ako sa pupuntahan natin bukas."

"Saan ba tayo pupunta" maang-maangan na ani ko dito.

"B*plaks, edi sa paaralan."

"Eh bakit excited ka?"

"Wala lang" hagikhik na ani nito sa akin.

Baliw talaga ang isang ito, iwan ko nga kung bakit naging pinsan ko ito.

"Gagayak na muna ako sa silid" ani ko dito pagkatapos ng aking paglilinis.

Isang palaisipan parin sa akin kung ano ba talaga itong mga pinasok ko.

Hindi ko batid kung ano ang kinahihinatnan nito o kung ano ang mga mangyayari sa hinaharap.

Ngunit iba ang pakiramdam ko sa mga oras na ito, iba ang nararamdaman ko sa desisyong Hindi naman ako ang pumili.







Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kapalaran Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon