Davina's Point of View
Since malapit lang naman ang school sa bahay, I decided to take a walk. Makapag isip isip na rin habang papunta roon.
“Nabalitaan niyo ba?” Malapit na ako sa gate ng school ng mapahinto ako. Hindi naman ako marites ngunit nag iba ang pakiramdam ko ng dahil doon.
“Yung isang teacher dito may estudyanteng hinaharot. At ang balita pa, naghalikan daw ang mga ‘yon.” Mahina niyang bulong na para bang sinadya niyang marinig ko ang mga ‘yon. Napatakip ito ng bibig at lumapit ako para mag-log sa visitors logbook.
“Ma’am naka-breaktime po ata si Sir Keitaro.” Bungad sa akin ng lalaking naka-civilian. Baka siguro guard din dito sa school. Parang ngayon ko lang siya nakita. “Ah, sakto pala ang pag punta ko. May dala kasi akong meryenda.” Nakangiting sabi ko. Muli akong napatingin sa dalawang babaeng nagchichismisan. Umiwas sila ng tingin at agad din naman akong umalis.
“Yoshio ata yung pangalan nung teacher na ‘yon.” Dinig ko muli sa isang estudyante. Patuloy pa rin ako sa paglalakad. Mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko.
“May asawa at anak na ‘yon. Iyon ang pagkakaalam ko. Grabe naman si Sir. Favorite ko pa naman siyang teacher.” Napangiwing sabi ng kausap nung isang estudyante. Napahinto na ako sa paglalakad dahil hindi ko na talaga gusto ang naririnig ko.
“Sinabi mo pa, kahit ako paborito ko rin siyang teacher e. Paano kaya niya nasisikmura na pagsabayin ang asawa anak, at kabit niya?” Tanong nito sa isa.
“Excuse me? I'm Mrs. Keitaro, asawa ako ni Yoshio. Kanina pa ako naririndi sa bawat sulok ng school na ‘to! What's with the issue?!” Tumaas ang boses ko dahilan para mapayuko ang mga estudyanteng ‘yon. Hindi na ako makapagpigil kung kaya’t nanghimasok na ako sa chismisan nila.
Nagkatinginan lamang sila at kung ano-ano patutyada ang pinagagawa. “Hindi niyo ba ako naririnig?” Muli kong tanong sa kanila. Sinamaan ko sila ng tingin.
“Pasensya na po may klase pa po kami.” Yumuko silang lahat sa akin at saka umalis. “Ang ingay mo naman kasi.” Saway nito sa isang kasamahan nila.
Tumuloy ako sa paglalakad. Ilang segundo lang ay nakarating ako sa faculty room nila Yoshio. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob.
“Yoshio…” Mahinang nasambit ko nang makita ko siyang may kasamang babae. Estudyante. Gaya ng mga naririnig ko kanina pa. Hinawi ni Yoshio ang buhok nung babaeng iyon at tinignang mariin ang isa’t isa at saka hinalikan ng asawa ko sa labi ang estudyanteng ‘yon.
My heart sank as I witnessed Yoshio, the man I had cherished, entwined with another. It felt as if my world was crumbling around me, the foundation of our bond shattered. The realization that he had chosen someone else over me sent a searing pain through my being. The betrayal cut deep, leaving me reeling in a whirlpool of emotions.
My mind raced, trying to comprehend how he could cast me aside so effortlessly. I wrestled with a myriad of unanswered questions, questioning my own worthiness and the nature of our connection. The physical manifestation of my anguish manifested as a gnawing ache in my stomach, a constant reminder of the turmoil that consumed me.
Hindi ko kayang tignan.
Biglang sumakit ang tiyan ko.
Nahulog ang meryenda na kanina ko pa bitbit. Dahilan para mapatayo siya at magtungo kung saan ang kalabog na iyon.

BINABASA MO ANG
Beyond The Rules (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Under Revision)
Любовные романыBook Cover: Misolei Arts This story is not for everyone and may contain mature content or the discussion of mature themes.