Yoshio's Point of View
“A—anong ginagawa n—niyo sa ‘kin?” Naguguluhan kong tanong ng biglaang posasan ako ng isang pulis.
“Hands off, Corporal!” Nakakabinging sigaw ni Nalu. “Subukan mong hawakan ako, baka pati ikaw idamay ko bata.” sarkastikong sabi nito sa kanya. Di alintana ni Nalu ang bulong-bulungan ng taong nakapaligid sa ‘min.
“Wala naman masama kung mag kagustuhan ang dalawang ‘yan. Maganda at gwapo silang parehas tsaka mukhang mahal naman nila ang isa't-isa.” Rinig kong sabi ng isa sa mga nakiki usyoso sa ‘min.
“Mali nga kasi ang ginawa nila, may asawa at anak na ‘yong teacher na ‘yon.” Mahina ang pag kakasabi ngunit parang sinadyang pinarinig sa ‘min. Matalim naman itong tinignan ni Nalu at tumahimik din naman kaagad.
Bumaling ang tingin niya ulit sa pulis na hanggang ngayo’y nakahawak sa ‘kin. “Hoy, Corporal…” Taas kilay nitong sambit. “Corporal Laurente, gwapong pangalan kaso ugaling askal.” ngising sabi ni Nalu. Umigting ang panga ng pulis na ‘yon at pilit na akong isinasakay sa police mobile nila, ngunit nagmamatigas ako.
“Bakit ako sasama sa inyo? Do you have any warrant of arrest na dala? Or do I need to print them may dala akong printer diyan sa kotse?” inis na sabi ko.
“Kung ako sa inyo Sir, sumama na lang ‘ho kayo at baka ano pa mangyari rito.” pagbabantang sabi ni Corporal Laurente.
“Sasama ako kung tatanggalin mo ‘tong kalawangin mong posas. Hayaan mo hindi kita sasapakin sa mukha.” Agad naman itong tinanggal ang posas sa aking kamay.
Sinabihan ko si Nalu na pumasok na sa kanilang bahay. "Nalu," bulong ko, "Pumasok ka na at ako na ang bahala rito.”
Sa likod ko, narinig ko ang mga click ng mga kamera ng mga reporter at ng mga chismosang kapitbahay nila na patuloy pa rin sa pag bulong-bulungan. Isang bahagi ng aking sarili ang nagnanais na tumakas na lang, ngunit ang pagmamahal ko kay Nalu ay nagbigay sa akin ng lakas ng loob upang labanan ang mga hamon na aming haharapin.
Dinala ako ng mga pulis sa kanilang himpilan, at doon ako nagulat sa aking nakita. Ang aking asawang si Davina, nakayakap sa isang pulis. Ang tanawing iyon ay nagpasiklab ng matinding sakit sa aking puso. Isang pulis ang huminto sa akin upang hindi makalabas ng sasakyan, ngunit tila wala siyang balak na pigilan ako sa malalaman ko.
Narinig ko ang mga pag-uusap sa loob na nagpatibay sa lahat ng aking hinala. "Wala na ang anak natin mahal," sabi ni Davina, na nag-udyok sa akin na lalong sumama ang aking pakiramdam. "Davina, bakit mo pinabayaan ang anak natin?" Sa mga salitang iyon, parang bumagsak ang aking mundo.
Alam ko na ito ang katotohanan; matagal ko nang pinapagsilbihan ang takot at paikot-ikot na mga katanungan, at sa wakas, nakuha ko ang sagot na matagal ko nang hinahanap.
Sa kabila ng sakit, isang bahagi ko ang nagtatanong; "Bakit nga ba ako nahulog sa estudyante ko?" Ngunit ang sagot ay malinaw; si Davina ang unang nagtaksil sa ‘kin.
Wala na ang aming mga pangako, sinira niya ng dahil sa kanilang pagtataksil at kasinungalingan. Si Nalu, ang kanyang tunay na pagmamahal sa akin at katapatan ang nagbigay sa akin ng saya at pag-asa na hindi ko natagpuan kay Davina. Hindi ako nag sisi na minahal ko ang estudyante ko kahit na alam ko rin naman’ mali.
"Anong ginagawa mo rito!" sigaw ni Davina, puno ng galit at takot. Pero, mananatili akong kalmado kahit gusto ko ng bigwasan ang kabit niya. "Davina, sana sinabi mo na lang sa akin ang totoo. Kaysa makita ko ng harap-harapan ang pagdududa ko sa ‘yo noon pa man.”
"Ang kapal ng mukha mo, Yoshio! Kasalanan mo kung bakit namatay ang anak ko!” sagot ni Davina.
Halos umigting ang panga ko ng marinig ko ang sagot niya. "And now you're telling me, ‘anak ko?’ Are you fucking serious?!”
“Oo, anak namin!” tugon ng kabit niyang pulis.
“Eh, tarantado ka naman pala e’!” Hindi ko na napigilan ang sarili kong sapakin ang lalaking ‘to sa harap ng kapwa niya pulis.
“Talagang gu—gusto mo makasuhan?” Hawak-hawak niya ang pangang niyang may dugo. “Ang lakas naman talaga ng apog mong sabihin mo sa akin ‘yang kupal ka! Magkita tayo lahat sa korte—” ngisi kong sabi sa kanilang dalawa.
“lalo ka na, Davina!” Bulyaw kong turan sa kanya. “Yo—Yoshio, pu—pwede naman na mag usap tayo ng pribado hindi ba? Not like this, masyado ka namang nagmamadali.” nanginginig na takot na sambit ni Davina.
Aktong aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko ngunit tinanggal ko ito na para bang nandidiri sa kanya. “Wala na tayong dapat pag usapan pa. Batas na ang dapat mag hatol sa kasalanang ginawa mo!”

BINABASA MO ANG
Beyond The Rules (𝘾𝙊𝙈𝙋𝙇𝙀𝙏𝙀𝘿/Under Revision)
عاطفيةBook Cover: Misolei Arts This story is not for everyone and may contain mature content or the discussion of mature themes.