SIGAW NG ISIPAN

1 1 0
                                    

Sigaw ng Isipan

Sa mundong puno ng kaguluhan,
Damdamin ay mapanlinlang.
Isipang pulos kalungkutan,
Tila naliligaw at naguguluhan.

Madaming tanong sa isipan,
San nga ba ang patutunguhan?
Naliligaw at naguguluhan,
May pag-asa pa bang matanaw ang tamang daan?

Ang magulong mundong kinalakihan,
Namulat ang mga mata sa kahirapan.
Sa murang edad responsibilidad ay inatangan,
Kaya natutong kumayod at lumaban.

Kabataan daw ang pag-asa ng bayan,
Pero bakit niyo naman kami pinahihirapan?
Ginawang insurance ng mga magulang,
Pati ba naman ng bayang kinalakihan?

Sa mundong puno ng kaguluhan,
Mahina at talo ang mga piniling sumuko at di lumaban.
Ginawang katatawanan
At inimbalido ang nararamdaman.

May pag-asa pa bang makamit ang tagumpay?
Sa mga taong puno' na lang ng lumbay.
Napagod na't tuluyang bumigay,
Sa hamon ng buhay.

___________________________________________________________________________

Sigaw ng Isipan, a poem of thoughts and feelings towards the reality of a teenager who was forced to grow up, takes all the responsibilities and still is invalidated. 

WOW( word of wisdom) :

I was also lost. I was also burdened with a lot of responsibilities, feel pressured for what others say and  to their expectations but no matter how hard it is, just keep fighting and continue living, don't give up. I know it's hard, but I know you can do it. You will survive.

Quote:
‘ No matter how hard the wave is, just keep swimming. ’

๑ created 28th day of October 2024 ๑

Just_an_obody

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SPOKEN FEELINGSWhere stories live. Discover now