ISANG BUWAN

8 2 0
                                    

ISANG BUWAN

Unang araw tayong naging magkakilala,
Hindi ko alam na magiging espesiyal ka.
Binigyan mong muli nang pag-asa
Ang puso kong namatay na.

Naging mag kaibigan tayo.
Sa loob lang nang isang araw,
Marami na tayong napagkuwentuhan.
Masarap sa pakiramdam na maibahagi sayo ang ilang bagay na aking napagdaanan.

Lumipas ang isang a linggo
Na laging magkausap,
Kuwentuhan, tawanan, ating pinagsaluhan.
Sakit nang nakaraan ating napagkuwentuhan.

Mga bagay na hindi ko maamin sa iba,
Sayo ay nasabi ko ng walang pangamba.
Pinagkatiwalaan kita, kase alam kong iba ka–
Na iba ka sa mga nakilala at aking nakasama.

Naging mas malalim ang ating pagkakaibigan.
Nang hindi ko na namalayan,
Na unti-unti na pala kitang nagugustuhan,
Higit pa sa isang kaibigan.

Pilit pang iniwasan,
Sa akalang ito'y mababaw pa lang.
Isinantabi ang nararamdaman,
Dahil sa pagkakaibigan.

Ngunit hindi ko na mapigilan,
Ang damdaming umaapaw,
Kaya nagpasiyang umamin na lamang
At bahala na ang maging kahinatnan.

Sumapit ang ika-bente unong araw,
Ika-tatlong buwan nang ating pagkakaibigan.
Naglakas loob na sabihin ang nararamdaman,
Kahit walang kasiguraduhan, akin pa ring sinubukan.

Nung una, inakalang ako'y nagbibiro,
Ngunit kalaunan ay pinaniwalaan.
Nagpasiyang umalis, hindi para ikaw ay iwan,
Kung hindi ay para pigilan ang aking nararamdaman.

Handa nang lumisan,
Ngunit iyong pinigilan
At sinabi ang mga salitang hindi ko inaasahan–
Mga salitang naging dahilan para manatili at hindi lumisan.

Wala mang kasiguraduhan,
Kung totoo nga ang iyong nararamdaman,
Akin pa ring pinaniwalaan
At umasang tama lang ang aking ipinaglaban.

Isang araw matapos inamin ang nararamdaman,
Naging malamig na ang ating usapan,
Hindi na gaya ng dating walang katapusan
Abutin man ng mag-damag ay walang pakialam.

Ako'y nangamba, na baka ako'y iyong iniiwasan,
Natakot sa isiping, ako'y iyong pinaglalaruan,
Nung sabihin mong ikaw ay mayroon ding nararamdaman.

Lumipas pa ang dalawang araw
Na halos hindi na magparamdam,
Nanlamig na ang dati nating masayang usapan.
Ang tawanan ay nauwi sa hindi magandang pakiramdam.

Maraming naging mga katanungan
Na bumalot sa puso't isipan.
Tinanong ang sarili kung may mali ba sa aking katauhan?
Na kung may pangit ba sa aking pangangatawan?

At aking nalaman–
Muntikan kong makalimutan,
Hindi nga pala ako ang babaeng
Kaniyang matitipuhan at magugustuhan.

Nagpadala lang ako sa mga salitang
Walang katotohanan.
Nasaktan nang lubusan,
Nang akin nang maunawaan.

Hindi pala ako ang iyong sandalan,
Na hindi pala ako ang babaeng iyong nagugustuhan.
Dahil simula pa lang ay lokohan lang
At hindi makatotohanan ang mga salitang binitawan.

Ang mga salitang pinanghahawakan,
Ay naglahong bigla.
Sinisi ang sarili na sana nung  una pa lang
Ay hinayaan mo na 'kong umalis at lumisan.
Nang sa ganon' ay hindi na ako nasasaktan.

Pero, okay lang.
Kasalanan ko naman, dahil umasa akong
Totoo ang iyong nararamdaman.
Okay lang na masaktan, dahil worth it naman.

Dumating ang ika-isang buwan,
Gusto kitang kausapin para tuluyang magpaalam.
Ngunit aking pinigilan, dahil sa takot
Na baka isang kasinungalingan na naman ang iyong bitawan.

Ako'y tuluyan nang lilisan
At hindi na muling magpaparamdam.
Hindi na umaasang iyong pigilan.
Hanggang dito na lang... paalam.

___________________________________________________________________________

Isang buwan was created on the 2nd day of May, it was my confession at the same time a goodbye poem for someone I used to know.

Just_an_obody

SPOKEN FEELINGSWhere stories live. Discover now