✧ROLE PLAYER WORLD✧
Role Player World,
RPW kung tawagin.
Mundo kung saan lahat ay walang kasiguraduhan.
Mundo kung saan lahat ay pawang kasinungalingan.Noong pinasok ko ang mundong ito,
Pagtataka ay namutawi sa aking isipan,
Sa mga salitang hindi ko maintindihan.
LBDP?LB?RB?SOC? para saan ang mga iyan?Ako'y baguhan at wala pang alam,
Kaya't nakipag-kaibigan na lamang.
SH?BH?SBH?FAM? Iba't-ibang samahan
Na naghahatid ng kasiyahan.FALLING GAME.
Isang kilalang laro-
Laro kung saan puso ang nakataya.
Ang unang mahulog ay ang siyang taya.Nagkaroon ng mga matalik na kaibigan.
Xavier, Atheana, Katherine at Vonn.
Ilang lang Yan sa mga pangalang natandaan-
Mga pangalang tumatak sa aking puso't isipan.Alfonsa? Dandelion?
Mga samahang aking kinabilangan.
Kapatid ang naging turingan,
Kaya't hindi ko sila makakalimutan.Sa pagpasok ko bilang RP'er,
Isa lang ang aking natutunan.
Na wala sa tagal ng pagsasama,
Para pagkatiwalaan niyo ang isa't-isa.__________________________________________________________________________
Role Player world was created 23th of July. I dedicate this to my rp friends. Thank you for the blissful moment everyone.
✧Just_an_obody✧
YOU ARE READING
SPOKEN FEELINGS
PoetryIt contains all the poems I made. Do not copy without the permission of the writer.