Konteng Patikim!

1.1K 22 1
                                    


Nakapatay na ang lahat ng ilaw pero dahil sa liwanag ng buwan ay medyo nakikita pa rin ang daan papuntang kusina. Maingat rin akong kumuha ng baso mula sa kabinet at nagsalod ng tubig mula sa gripo. Pabalik na ako sa aking kwarto nang makarinig ako ng mahihinang halakhak at yabag pababa sa hagdan.

"Hon, ba't tayo nandito?" tinig iyon ni mama. Pabulong. Nasundan iyon ng tawa na parang kinikiliti.

"Dito na naman kita titirahin, hon", may panggigil sa boses ni papa.

Tanging kabinet na gawa sa kahoy lamang ang namamagitan sa aming sala at kusina. Ang kabinet ay may hugis kuwadrado na nagsisilbing partition na puwedeng lagyan ng vase, picture frames, mga santo, stuffed toys at figurines. Wala iyong harang sa likod kaya kung aalisin ang nakaharang na mga frames ay makikita ng tao na nasa sala ang kusina at vice versa.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero sinasabi ng aking utak na huwag umalis at silipin kung ano ang ginagawa ng aking mga magulang. Nagtago ako sa gilid ng kabinet kung saan hindi ako mapapansin. Dahan-dahan kong inalis ang nakaharang na picture frame, sapat lang na makita ko kung ano ang nangyayari sa sala.

Thy Father Thy Son: Ang Unang KasalananTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon