ANG BYAHE NG BUHAY KO...

617 1 3
                                    

(Introduction)

May mga parte ng buhay na akala natin wala lang...na di mahalaga kasi parang pangkaraniwan lang na nangyayari sa buhay natin. Pero ang mga akalang yun ay mananatiling "akala" na lang ba? O minsan sa ating buhay, ang mga bagay na inaakala natin ang magpapabago mismo sa ating pagkatao?

Sa araw-araw na bumabyahe ang isang tao...Maraming mga pangyayari ang nagaganap... Madalas pangkaraniwan, gaya ng traffic dahil sa rush hour, banggaan sa kanto, driver na nahuling di naka-seatbelt or over speeding, mga taong naglalakad sa gilid, mga nagja-jay-walking, mga nasiraan, mga buwayang driver na halos isang oras nang nakaparada dahil sa pag-aantay sa pasahero, galit na driver, inip na pasahero at marami pang iba...Pero minsan, biglaan...mga di inaasahan na tipong sa isang kurap lang nagawa ng magpabago sa napakapangkaraniwan mong buhay.

Masarap mabuhay, totoo! Lalo na kung laging masaya at walang iniisip na problema, kung sa tuwing paggising mo sa umaga may almusal na sasalubong sayo, sabay bungad ng magandang ngiti ng nanay mo, isang makulit na kapatid na walang ibang ginawa kundi bulabugin ng magarang paggising mo, isang tatay na kahit alam mong nasa malayong lugar ay naandiyan lang para sayo- para sa inyo,nagpapakahirap para mabigyan kayo ng magandang kinabukasan, isang boyfriend na matatakbuhan mo sa kahit na anong oras mo siya kailangan, mga kaibigan na hinding hindi ka iiwan sa oras ng lungkot o saya lalo na sa oras ng kalokohan! Kung ganon ba naman talaga araw-araw ang mae-encounter mo, tiyak! Sobrang saya na ng buhay mo...sa sobrang saya, nakakasanayang mo na, yung tipong mawala lang ang isa sa kanina parang ikakagunaw na ng mundo mo?

Pero magaling si God, di Niya hahayaan ang isang nilalang na mabuhay na puro saya lang, puro asa sa iba, kung baga, puro sarili lang... tama, imposible sa buhay ng tao ang walang problema... ABA! Abnormal ka kung wala kang problema! Kung walang problema, walang sagot, walang improvement na magaganap. Kaya nga may History diba? (sa totoo lang, ano ba talaga ang papel ng History? Diba, tila listahan ito ng mga problema na may mga kaakibat na solusyon?) At kaya natin pinag-aaralan ang History para maiwasang maulit ang mga pagkakamali na nagawa na... Pero dahil sa ang buhay ay parang gulong, paikot-ikot lang ang lahat ng pangyayari at madalas paulit-ulit! At dahil sa tinatawag na "evolution", nag-eevovle lahat! Mula sa pisikal na katawan hanggang sa tinatawag nating "teknolohiya". Pati mga problema nag-eevolve! Walang lusot, lahat improving!

Para namang napakapointless ng mga sinasabi ko oh...ano bang kinalaman nito sa ekonomiya ng bansa? Yayaman ba ang ibang tao pagnabasa to? Malamang hindi! Pero simple lang naman ang gusto ko... ang maipahayag kung anu-ano ang nararamdaman ko at kung anu-ano ang mga nasasaisip ko... Akalain mong may isip pa pala ako? Akala ko rin wala na eh :) may mapipiga pa pala...

Shocks, dami kong sinasabi, di niyo pa nga pala ako kilala... Ako si Rika Totokari, actually ninja name ko yan! (no need to mention the real names naman eh, as if may interesado dito XD). Simple lang akong tao, na may simpleng pangarap... pangarap ko lang naman makapagtapos sa isang exclusive university sa ibang bansa at makapangasawa ng crowned prince! Simple diba? I told you! :) Isa akong purong Pilipino (Filipina rather), pero may lahing Chinese ang nanay at tatay ko... Well, lahi nalang naman eh, kung baga wala na sa dugo, LAHI lang talaga XD

May isa akong kapatid, si Cyber ang weird ng name niya no? (or ako talga ang weird? imbento ko lang naman kasi ang pangalan niya eh, kasi nga sensored). Ako ang mas matanda saming dalawa, im in college na and he's in highschool naman. Math wizard siya, naiwan ko ata sa tiyan ni mama ang utak ko para sa Math at Science eh! At pinakyaw naman niya! Tss. Ako? Average sa kahit saan (mostly academics, visual arts like drawing,crafting at iba pa basta arts! pwede rin sa performing arts like dancing at theater..siguro? ^^) Wag na wag nga lang sa pagkanta (kung ayaw mong makarinig ng basag na nota) at sa kahit anong sport na may kinalaman sa BOLA! (nako! ipagawa mo na sa akin ang project ng buong klase wag mo lang ako paglaruin :3 ) Pero yung kapatid ko? Malakas ang loob nun sa sports! Kahit masakit sa katawan, basta't exciting para sa kanya gagawin at gagawin niya!

ANG BYAHE NG BUHAY KO...Where stories live. Discover now