CHAPTER FOURTEEN: Trusted Friend

36 0 0
                                    

Nagsimula na ang klase, di parin nawawala rumors  tungkol sakin. Well, wala na kong magagawa kundi maghintay ng taong tatanggap sakin. Isang taong handang maging kaibigan ko sa kabila ng maduming imahe na bumabalot sa pagkatao ko.

This school year, seatmates ko sina Lea Venice Martinez at Fame Aizel Lapuz. Nanliliit ako... oo, nanliliit nga ako. Myembro si Lea ng isang grupo ng mga kababaihan sa klase namin, lahat sila may pagkaconservative! For sure isa ko sa mga nagiging topic nila paminsan-minsan... Eto namang si Fame, puro pag-aaral lang yata ang alam gawin nito eh? Naman Rika, wala ka ng pag-asa! >.<

bzzzt bzzzt 

[Sino nanaman ba to? Di ba niya alam na may klase ako? Buti nalang nakasilent at mabait tong teacher namin ngayon. amp.]

James: Hey Rika, where r u? [problema nito?]

Rika: Y? Malamang nasa school! May klase ngayon eh..duh!

James: tss..malamang din! ako rin dito sa school, schoolmates tayo neng!.. where at?

Rika: naman.amp. dito lang ako 2nd floor ..sa room namin.. bkit ba?

James: I want to meet you now... [what?!]

Rika: NOW?! Y?!

James: Over!!di naman nayon agad..gusto po kasi kitang makilala inperson eh. [ay wapak! gusto niya kong makilala >.<]

Rika: K.where at?

James: mamayang recess sa ground floor, aabangan kita ^_^ [uuuy, lumalambing!! Rika wag ka na namang assuming!]

Rika: Fine. :)

Ano ba yun? May issue na nga samin gusto parin niya ko makilala? Di ba siya naiilang dun? Ampness. 

Well, wala na naman samin yun eh, yata? Bahala sila! Isipin nila gutsto nilang isipin, di na kailangan magpaapekto pa!... Mag-aaral na lang ako ng maigi ^_^

Recess Time!!!

Imemeet ko pa kaya siya? Nahihiya ako, parang di ko kaya... ano bang mukhang ihaharap ko run? Aish >.< wag nalang kaya...

Pababa na ko ng hagdan, ayun siya! Nakatayo sa may hagdan... Marami siyang kasama eh... pero mukhang may inaabangan siya samin, well ayokong mag-assume! For sure si Ms. Campus Crush yun... patay na patay siya run eh ^_^

bzzzt bzzzt

James: di kita makita :( [Ay, ako pala inaabangan niya?]

Rika: Haha! Nakita na kita! Tumingin kaya ako sayo :-P [tunay naman!]

James: Daya mo naman eh... di kita kilala :-\ [hahaha! ang cute niya sa malayoooo parang batang naghahanap sa mall!! alam ko na kung bakit naging crush to ni Gina XD]

Rika: Nakita mo na ko sa year book diba? Dapat alam mo na! ^_^ [sadya naman!]

James: Akala mo ha. Patay ka sakin, makikilala rin kita :)) [ano nanamang pakulo nun? Death threat ba yun?]

Rika: Tss.. wish mo lang! XD

Habang kumakain ako, bigla akong tinawag ni Gina, ako naman si uto, kaya lumapit ako. Ano kayang kailangan sakin ng bruha? Tss. For sure ituturo na naman niya sakin ang James ng buhay niya. Sanay na kasi ako, sa tuwing makikita niya si James ako agad tinatawag niya! As if namang makikipantasya ako sa James na yun. :D

Paglapit ko sa kanya... bigla niya kong kinaladkad! Wala akong nagawa kundi sumama... Ok kaladkarin naman talaga ako eh, nung si Emilie pa ang kasama ko, lagi akong kinakaladkad nun.. sana my award ang mga kaladkarin :D

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2011 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ANG BYAHE NG BUHAY KO...Where stories live. Discover now