March na, I have decided to commute na lang papasok ng school at pauwi ng bahay. DUH I'm in grade six na, there's no need to worry! I can handle it ^_^ [Oha! Taray, lumalandi na ang lola niyo]. Actually, two times na kong naiwan ng service kaya ayaw ko na, sayang ang binabayad ni mama for service tapos mamamasahe rin pala ako >.<
Well its non of my business naman kung magkano binabayad ni mama eh! Pero gusto ko rin kasi magliwaliw kahit thirty minutes lang, mas ok to mas malaya :)
Pero ang main purpose ay...
"Rika, pauwi ka na?" si Arthur! Magkabaranggay kami, remeber? ^_^
"Ah oo...ikaw?" sasabay kaya siya sakin?
"Diba commute ka na? Sabay na tayo ^_^" bangis!
"Ah sige.hehe" nakakakilig na nakakailang, ewan ko ba parang di ako komportable pag siya kasama ko, pano lagi akong conscious sa actions at itsura ko >.<
Simula nun madalas na kaming sabay pauwi. Madalas pa kong libre... AYOS! Nakakatuwa siyang kasama [kahit papano] madaldal din naman pero ang tahimik ko, di ko kasi feel mag-ingay eh, wala akong topic na maisip. Kinikilig ako pag kasama ko siya, natutuwa ako pag nakikita ko siya, pero bakit parang may kulang? Parang hindi naman talaga ako masaya? Binubusog ko lang ang mga mata ko kakatitig sa kanya... pero bakit parang iba ang hanap ko? Parang gusto ko ng makulit kasama, yung lagi akong pinapatawa...
Lagi rin naman akong nakangiti pagkasama si Arthur ah? Kaso ngiting hangin lang... Puro pacute, paimpress at kung anu-ano pa. Pilit kong inilalayo ang pagkatao ko sa tunay na ko pagkasama ko siya... Sa ngayon di ko na kilala kung sino ba talaga ko, para kasing masyado ko ng binabago ang sarili ko, lahat ng tingin kong negatibo pilit kong iniaalis sakin... Di ko na kaya, di na ko masaya... babalik na ko sa dating ako. I don't care if he won't like me anymore just because of it, I'd rather be true to myself and let others think what they want to. As long as MASAYA AKO ^_^
Last month na namin to, dapat intense ang bonding! Kinamusta ko si Jan-jan, siya kasi ang mas madalas kong kausap dati.
"Jan-jan bakit ang suplado mo ngayon?!" sabay hawak ko sa mukha niya [eksena ng nakaupo siya sa monoblock tapos ako sa may likod niya at iniangat ko yung mukha nya. So parang nakatingala na siya sakin yung ulo niya nasa may tiyan ko kahit nakatalikod siya sakin. BASTA! hirap naman i-explain eh >.<]
"Ha?" sabi niya.
"May gusto kaya sayo si Jan-jan, kaso sabi mo nga lang dati Yuck!" pabirong banat ni Banjo.
"Weh... may sinabi ba siya???" pabiro kong sagot.
"MERON KAYA!!!" pangungulit ni Banjo. Binitiwan ko na ang mukha ni Jan-jan, nakalimutan ko! Lalaki nga pala siya >.<
"Hoy wala ha? Wala kaya...tsaka never akong nagsabi ng YUCK!" dipensa ko, ang kulit. Hey Jan-jan speak up! >.<
"Basta, akala mo lang yun..." panigurado ni Banjo.
"........." Nagpout ako at tumahimik nalang. Pero si Jan-jan, ang tahimik niya. di niya ko kinikibo T_T
Totoo kaya? Hindi, hindi ko talaga alam! Bakit di niya sinabi ng maayos sakin kung totoo man yun? Bigla nalang siyang magsusuplado... As if namang maiintindihan ko yung ginagawa niya. Ang labo. Pero di ako naiilang sa kanya. Para ngang natuwa pa nga ako eh... Rika?! Ikaw ang malabo >.<
After ng nalaman ko, di na ko nagpaapekto, bakit ko pa iisipin yun? Maiistress lang ako... Pero may narealize ako... ang haba pala ng hair ko? ^^, [kaso kulot]
Oh gosh! Babae nga ako!
Tss. babae naman talaga ko ah? and here's my proof:
*FLASHBACK*
Few weeks bago ang Foundation day..
"Arthur, ok lang ikaw ang maging escort natin?" tanong ni ma'am.
"Ah sige po, tatanong ko po ^_^" sabi ni Arthur.
"Rika, gusto mong mag-muse? ^_^" wow! ang dakila naming adviser, inaalok akong magmuse? ang gara!
"Ah mam, kasi po nandyan po si papa eh... ah hindi po pwede...." nice! mga alibi mo Rika.. papilit ka lang eh!
"Eh kasi, di na pwede si Aileen at nakapagmuse na siya last year eh..sure ka???" Ma'am! Gusto ko po! Gustong gusto! Kaso nahihiya ako >.<
"mmh-mmh... di po talaga... ^_^" ok! nagpatalo na naman ako sa hiya ko T_T SAYANG!
"Ah sige, sino pa ba..." tumingin siya sa mga kaklase kong babae at si Ivy ang napili niya. Haaay, sayang >.<
Recess time
"Rika bakit di mo tinanggap?! Sayang yung opportunity!" Badeth wag ka ng mangonsensya... masakit din sakin yun!
"Eh, di ko kaya... Tsaka tama lang nasi Ivy yung pinili, sexy eh :D" oo tama, sexy nga siya... ano bang meron ako?! Tss.
"Mas may face ka naman dun no?! tsaka si Arthur yung escort Rika, si ARTHUR! Sayang talaga!" ok Ms. Det-Det salamat sa pagsagot sa tanong ko kung anung meron ako :D pero ano bang mapapala mo pagnagmuse ako? Tss.
"Yun na nga eh! Si ARTHUR yung escort! Baka magmukha lang akong julalay nun! Baka nga maging mas maganda pa sakin yun eh... Kulay pa lang taob na ko" amp. naman eh!
"hahahahaha!!" itinawa nalang anmin ang nangyari.
*END OF FLASHBACK*
"Guys! San niyo balak maghighschool?!" Sabi ni Tin-tin
"Ah, di ko lang alam eh, baka dito rin" sabi ko.
"Baka magtransfer na ko eh, para maiba naman." ok. Bye Tin! ^_^
"Ikaw Rika? San ka?" nandito lang ako Arthur! Di ako naalis.
"Baka dito... siguro?" kasasabi ko lang eh! dapat wala ng ulitan sa bingi >.< "eh ikaw Artur?" pahabol ko.
"Baka dito lang din... di ko pa alam." sabi niya.
"Oi Angelo! Badeth! kayo?" tanong ko.
"Baka sa Makati na ko... nandun kasi ate ko eh." Badeth! ang daya mo! Wag mo kong iwan. >.<
"Baka dito nalang ako." singit ni Angelo.
"Tss. wag na kayo lumipat! Sayang din yung loyalty award!!! GOLD DIN YUN OH!" biro ko. korny no?! :D
"hahaha! oo nga no, sayang yun?! Ginto ^_^" banat ni Angelo. wow bumenta yung joke ko.
"Eh ako..wala nun kahit dito ako maghigh school >.<" sabi ni Arthur sabay pout. aaw ang cute!
Oo nga pala, ilang araw na lang gagraduate na kami >.< Di imposibleng magkahiwa-hiwalay na kami, pero ang manhid ko naman! Di kasi ako nalulungkot ^_^ parang wala lang? Ok lang. Tss. La kong kwentang kaibigan. haha!
Sa mismong araw ng graduation, by ranking ang arrangement namin, as usual si Angelo ang katabi ko! Kelan nga ba ito nagsimula? Grade four pa yata? Wow! Consistent! Mamaya mapagkamalan pa kaming laging nagkokopyahan... Halos hindi kasi nagkakalayo ang average namin ^_^
Naku! Graduation song na pala namin! Take Me I'll follow ni Aiza Seguerra ang napili, amp naman! Eto rin ang gradutaion song nung nakaraang taon eh, wala ba kaming karapatang makapamili?! Tapos yung iba ko pang classmates nag-iiyakan na... BAKIT HINDI AKO UMIIYAK?!! Rika, pilitin mo kayang umiyak T_T [di ko talaga kaya, wag na nga lang! pisti]
Eto na ang huling araw ko sa grade six, ang huling araw ko na rin sa elementary, grabe! Six years ang nagamit ko rito! Sa bagay marami rin naman akong natutunan: magbasa, magsulat, magsipag, magpakatamad, makipagkapwa tao, makipagsapalaran sa mga simpleng paraan at kung anu-ano pa. Pero eto lang ang masasabi ko "I shall NOT return!" Aba, sayang ang six years!
Highschool life, I'm coming!!!